MABILIS SILANG nakarating sa bahay nina Tristan at masayang naghihintay sa kanila ang magulang nito. "Naku apo...mabuti naman at makakasama ka namin." Giliw na giliw na bati ng mama ni Tristan sa anak. "Ako din po lola, excited akong makasama kayo.." turan ng anak rito. Napangiti si Tristan sabay lingon kay Carissa. "Babe, magpapalit lang ako." Paalam rito saka mabilis na pumanhik sa hagdan. Baka kasi mamaya eh magbago pa ang isip nito. Masaya siya dahil kahit papaano ay pumayag ito. Napapailing si Carissa habang nakatingin kay Tristan. Well, sino ba namang babae ang hindi maiilove dito. Mala Deither Ocampo ang katawan at mukha tapos may magandang pamilya at stable na negosyo. Muli siyang napatingin sa larawan nito noong ten years old ito kasama ang kapatid na si Trisha. Napalingon sa