“WE cannot predict anything from here. The only way we can do is to be prepared for his complete recovery. Why don’t you tell me everything about him? Para kung sakaling bumalik ang alaala niya ay maipaliwanag ko agad ang nangyari?” tanong ni Noelle. Nasa isang cafeteria kami at doon nagkita nang hapon iyon. Pinapunta ko siya para ipaalam ang tungkol sa latest findings ng doctor ni Xavi. Tinanong ko siya kung may napapansing pagbabago kay Xavi, pero bukod sa mga na-i-report na sa’kin ni Emma ay mukhang wala namang kakaiba. “Really, Noelle? Gusto mong sabihin ko sa inyo ang lahat-lahat? Para saan? Para magkaroon ka ng alas laban sa’kin?” “Bakit ganiyan ka mag-isip? Akala ko ba kakampi ang turing mo sa’kin? Besides, you have my child, Chelsey. Sa tingin mo ay gagawa ako ng hakbang again