KUMAWAY si Noelle mula sa salamin ng departure area. I smiled and waved back at her. Umalis ako sa aking kinatatayuan upang salubungin siya. Panay ang lingon niya habang palabas tulak ang baggage cart at nang magtagpo na kami ay agad niyang binitiwan ang trolley at sinugod ako ng yakap. “Baby, I missed you!” “I missed you, too.” Mahabang segundo muna kaming nagyakapan bago siya naglambitin sa batok ko. She tiptoed and kissed me on my lips. Hinalikan ko siya pabalik at pagkatapos ay muli siyang ikinulong sa aking mga braso. “Thank God you’re here with me, now. Hindi na ako masyadong malulungkot kapag nasa bahay lang.” Tumawa si Noelle. Binitiwan niya ako at masuyong pinagmasdan. “Glad to hear that. Masaya rin akong makasama ka ulit, baby.” Sa sasakyan ay malambing na nakayakap sa br