HINDI ko napaghandaan ang tanong ni Nanay. Nag-apuhap tuloy ako ng tamang isasagot, pero bago pa ako makabukas ng bibig ay bigla akong nakaramdam ng pagduduwal. I clasped my mouth with my hand and hurried to the nearest toilet. Hindi ko na pinansin ang sari-saring reaksiyon ni Nanay na kaagad sumunod. Inilabas ko ang maligalig na laman ng aking tiyan. Hindi naman bago sa’kin ang ganitong sintomas kaya alam kong wala akong dapat ipag-alala. Hinintay kong kumalma ang aking sikmura at hindi agad lumabas. Sa peripheral vision ko, naroon si Nanay sa pinto ng banyo at nakatunghay sa’kin. Nanay kami pareho kaya alam ko na agad ang tumatakbo sa isip niya habang napapanood ako. Maayos na ulit ang pakiramdam ko nang bumalik sa loob ng opisina. Umupo ako sa dating pwesto. Nasa dating silya rin ni

