BAHAGYANG nagusot ang mga kilay ni Xavi na tila napaisip. Hinintay ko siyang sumagot. Maya-maya ay nagkibit siya ng balikat. “Maybe I heard it from someone in the office. O baka sa’yo ko mismo narinig kapag nagkukwentuhan kayo ng mga kaibigan mo. I'm not sure though. At least, the information stays in my memory. That’s one point for me,” aniya na sinundan ng isang kindat at ngiti. Nilagyan niya ng baked potato ang pinggan. Isang plato lang ang gamit namin at salo na raw kami. Ibinigay niya sa akin ang kutsara at sa kaniya ang tinidor. Nagsimula akong kumain. Nang matikman ko ang luto niya ay nabuhay ang appetite ko. “Pasado ba?” Tumango ako. Ngumiti si Xavi. “Then that’s two points for me.” Hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ko. “Bakit ka nagbibilang ng puntos?” Sa isip ko ay h