“S-SINO ‘to?” Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. “Xavi. Nandito ako sa labas ng gate mo. Come here and see me.” Natulala ako pagkatapos niyang mawala sa linya. Kahit sa cellphone ay kaboses niya si Alistaire. Mas mabigat nga lang ang dating ng tono niya at parang galit. May bahagyang panic na tumayo ako at sumilip sa bintana. Sa malamlam na liwanag ng mga poste sa kalye ay natanaw ko nga sa labas ang kotse ni Xavi, subalit hindi ko ito makita. Malamang nasa loob ng sasakyan o nagtatago sa malalagong halaman. Hindi ko alam. Pero ano bang ginagawa ni Xavi sa labas ng bahay ko? Bakit nandito siya nang ganitong oras? Napalundag ako nang mag-beep ang cellphone ko sa pumasok na mensahe. I will use the doorbell kapag hindi ka lumabas. O kalampagin ko na lang ang gate mo? Which one do you p