Naiinis ako dahil kamukang kamuka ito ni Kuya Saimon. Wala man nakuha sa kapatid ko! Pati ngisi at hindi mapag kakatiwalaan ang muka. But, Kuya Saimon and i are close. Naalala ko noon, pinag seselosan ako ni ate sa kanya.
Tapos kung ano pa gusto ko ay binibigay n'ya.
Nakakatuwa lang panahong wala akong alam sa kahit ano. 'Yung walang sakit, laruan lang masaya na ako pero ngayon...
"Meryenda muna." dumating si Mommy na may dalang cake na gawa n'ya.
Tinulungan ko s'yang ayusin 'yun. At sinabayan na din ang dalawa. Tuwang tuwa ako habang nag papaunahan ang dalawang kumain.
Wala kaming ginawa kung hindi mag laro. Tagu Taguan, habulan ang mga nilalaro namin. Hanggang sa mapagod kami.
Dumating ang sundo ng dalawang bata. Kuya Anjoe and Ate Angel kissed my cheeks. Saka sumama sa kanila ang mga anak nila, pero maya maya din ay pumasok si Ate Mistake. Ako ang humalik dito dahil medyo mahiyain ito. Humalik si Kuya Saimon sa pisnge ko.
"Pawis na pawis ka!" dinalaan ko lang si Ate Angel na parang bata.
"Nag play kami, mom!" sabi ni Stan dito.
Humiga ako sa sofa bed. "Mom!" tawag ni ate Angel kay mommy.
"Oh Tian, andito ka!"
Agad nag wala ang puso ko dahil don. Hindi ko sila nilingon o ano. Pinikit ko ang mga mata ko at namahinga lang.
Wala ako naririnig na boses n'ya. Kaya sa tingin ko ay pinag tri tripan ako ng mga 'to.
Umupo ako habang nakapikit. Dinilat ko ang mata ko at bahagyang nagulat ng makita kong nakatayo s'ya sa gilid ng inuupuan ko.
Pero napalitan 'yun ng malamig na tingin. Mabilis kong nilisan ang sala para umakyat sa taas.
I don't have a time for him. Hindi kami pwede mag sama ng matagal sa iisang lugar.
Pakiramdam ko hindi ako kakakahinga nang maluwag pag malapit s'ya sa 'kin. Hindi siguro ako mapapakali at hindi ko alam!
Noong umuwi naman s'ya? Halos hindi n'ya ako pansinin. Para nga s'yang walang pakielam sa akin pero bakit pag kalipas ng buwan? Bakit ganito?
Pumasok ako sa cr at naligo. Mabilis na lumabas suot lamang ay towel. Umupo sa make up table at kinuha ang blower para patuyuin ang buhok ko. Nang matuyo 'yun ay pinunasan ko ang katawa ko. Tinanggal ang tuwalya saka tumingin sa lifesize mirror ko saka umikot.
Pumunta na ko sa kama ko at nahiga. Wala akong gagawin 'don sa baba. For sure dito din sila magdi - dinner.
Hay! Ang mga kapatid ko. Lahat may asawa na at masaya sa pamilya nila. Ilang taon, isang babae lang mula noon hanggang ngayon. Ang saya ko pang dahil ang dami kong pamangkin, ang saya. Sobrang saya.
Tumalikod ako at tumingin sa sidetable ko. Picture frame ang nandon. Dati puno ng picture ang kwarto ko naming dalawa ni Tian, ngayon? Picture frame lang ng tatlo. Alvarez's Fam, andon s'ya of course. Kumpleto 'yun, walang kulang. Lolo and lola, dad's mom and dad, may family picture din kami and Lolo, mom's dad.
Tinitigan ko lang 'to. Maliit pa ko noon, halos walang muwang. Katabi si Tian sa isang upuan.
Sayang lang, wala na sila.
Isa isa silang nawala sa amin. Para kaming nawalan nang gana noon sa lahat dahil sa nang yari. Parang hindi makapaniwala, nahihirapan at tulala.
Mama, papa, lolo, lola and my favorite lolo. Actually, kami mag kakapatid ay sya ang paboritong lolo sa lahat. Lahat kami gusto s'ya makasama.
Pero wala na. Tapos na. Hanggang doon na lang dahil may katapusan ang buhay.
"WHAT THE f**k, LANA!" napatingin ako sa sumigaw at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Tian.
"TIAN!" mabilis itong tumalikod kaya kinuha ko ang blanket to cover my body.
Naririnig ko ang mahinang mura n'ya. "Bakit ganyan ka kasi matulog? Walang saplot! Hindi pa naka lock pinto mo!"
Bakit s'ya pa ang galit? S'ya nga hindi kumakatok 'e! Papansin masyado!
"Kung marunong ka lang sana kumatok! At bakit ba nandito ka?" naiinis na tanong ko sa kanya.
"Sarap mo naman katabi." nag init ang pisnge ko dahil doon.
"Shut up! Ano ba kailangan mo?!" sigaw ko pa.
Humarap na ito. Pinag masdan pa ang ayos ko saka nag mura ng mahina. Nakita kong namumula s'ya at para bang hindi mapakali.
Huminga s'ya nang malaim na para bang pinapapaklma ang sarili.
"And'yan na daddy mo. Bumaba ka na." napairap ako.
Hinintay ko s'ya umalis. Napasapo ako ng ulo ng maalala ko may dinner kami ni Airel! Agad ko itong tinext na mag kita na lang kami sa club na agad naman nitong sinagot ng oo.
Muntik ko pa makalimutan ang set namin kanina!
Nag bihis ako ng pambahay. Isang spaghetti and panjama.
Bumaba ako at nagulat pa ko ng makita ko si Tian na nakasandal sa tabi ng pinto ko. Umiwas agad ako ng tingin at umalis don.
Dire diretso ako pag baba ng pinto. Naririnig ko ang sigaw ni Stan. Agad kong nakita si Daddy na nakikipag laro kay Stan at Misty. Si Misty ay nasa likod nito habang si Stan ay hawak hawak ni daddy.
"Go, Lolo!" sigaw ni Misty dito.
"Ano gusto mo gawin na 'tin kay Kuya Stan, Lyricka?" nag isip pa 'to kunyare.
"Let's throw him!" nag tawanan sila.
Lumapit ako kay daddy at hinalikan ito sa pisnge.
"How's your day?"
"Fine, dad." tinaasan ako nito ng kilay.
"I heard ikaw kasama ni Tian sa San Fabian Pangasinan?" hindi ako sumagot.
Hindi pa rin ako pumapayag 'don and anytime pwede ako tumanggi. Ayokong makasama si Tian sa iisang lugar pero paano? Gusto ko din mag bakasyon.
Hindi. Hindi dapat ako pumayag!
"Pumayag ka ba?" he asked again.
"Hindi pa, dad." sagot ko dito
Tumitig ito sa 'kin. Ngumiti ako sakanya para ipakita na walang problema.
Sinulyapan ko si Tian na nakatingin sa amin habang nasa hagdan s'ya. Umiwas agad ako ng tingin saka sumali sa laro nila dad.
Tinawag din naman kami ni Mommy para sa dinner. Takbuhan kami don at umupo agad. Si Tian ang umupo sa tabi ko. Si Kuya Anjoe naman ay hawak ang anak n'ya na nakaupo sa lap n'ya.
Nag simula na kaming mag dasal para sa pag kain.
"Pinag isipan mo ba ang sinabi ni Tito Saimon sayo kanina, Lana?" napatingin ako kay Kuya Anjoe.
"Maganda 'yun, Lana. Para makapag bakasyon ka din bago umalis." sumubo ako at saka tumingin sa kanila.
"Pwede naman ako mag bakasyon na mag isa. Kaya ko bumyahe mag isa." sagot ko sa kanila na kinabuntong hininga nila.
Alam naman nila ang gusto ko.
"Anak, iba kasi pag kasama mo si Tian." tumingin ako kay Mommy at ngumiti.
"Mom, okay lang ako. Malaki na ko. Hindi na ko bata para lumapit pa kay Kuya Tian." tumingin ako kay Tian." Right, Kuya?" Tian stared me.
"Yeah." sang-ayon n'ya. "Saka iba na pag lumapit ka sa 'kin. Baka ikasal tayo ng wala sa oras." nawala ang ngiti ko sa sinabi n'ya pero natawa ako ng mahina.
"Wala akong time sa ganyan. Nag-e- enjoy pa ko sa buhay ko." sagot ko.
Hindi dapat ako mag paepekto. Talo ako kung maapektuhan ako. Hindi dapat, kaya dapat gawin ko ang kaya ko.
Naging tahimik ang buong mesa dahil don. "You can enjoy your life even you are married, Lana. Pwede din kita samahan." umiling ako sa kanya.
"Those bodyguards are enough for me." i heard him sighed.
"Anak, wala ka pa bang nagugustuhan?" tumingin ako kay dad. "Gusto ko makita 'yung lalakeng 'yun." ngumiti ako kay dad.
"Wala pa, dad. Saka kung meron man ikaw ang unang nakakaalam." ngumiti si dad sa 'kin.
Natapos kami kumain lahat. Ako naman ay umakyat sa taas para mamahinga kahit papano dahil mamaya lang ay aalis na ko para makipag kita kay Airel. Hinanda ko ang susuotin ko. Pumunta sa cr para mag toothbrush at mag mouth wash.
Aalis ako, kung saan walang Tian. Hindi dapat ako nandito, dapat hindi ko s'ya isipin. Ayoko muna s'yang isipan at gusto ko s'yang kalimutan tuluyan!
Nakakainis!
Nag hubad ako sa harapan ng fullsize mirror at saka siunot ang tube dress ko na hanggang ibabaw na hita. Konting make up at saka sinuklay ang wavy hair ko.
Isang sling bag ang dala ko. Bumaba ako at sakto naman andon pa sila sa sala. "San ka na naman pupunta?" mom asked.
"Mom! Uuwi din naman ako. Kasama ko ang bodyguards!" hinalikan ko sila isa isa sa pisnge.
Wala na si Tian and i think umuwi na to. Lumabas ako at pumunta sa kotse ko. Tinext ko si Airel na paalis na ko at ganon din s'ya.
Yes! Walang Tian ngayon! Mag sasaya ako habang wala s'ya!
Kaya nang makarating ako don ay hinalikab n'ya agad ako sa pisnge. Pumasok kami sa loob, maraming bumabati sa amin. Mga schoolmates ko and ka batch. Ang iba kilala ko at ang iba ay hindi.
Pumunta kami sa isang sofa. Maraming tao sa taas. Maluwag din ang dancefloor. Umorder agad kami ng isang boteng jack daniels and maraming yelo.
"Lana!" may narinig akong tumawag sa akin kaya naman humarap ako doon.
Si Ate Ellie! Ate Diana's friend and naging close din kami.
"Hello, Ate Ellie!"
Umupo ito sa table namin. "Dito na lang ako ha?" she kissed my cheeks.
Pinakilala ko s'ya kay Airel at si Airel naman ay tuwang tuwa. Artista ba naman ang kaharap n'ya. Nag simula kaming uminom na tatlo at parami ng parami ang tao sa loob ng Club.
"Nasan si Kuya Addisson!" napalitan ng ngiwi ang muka ni Ate Ellie.
"Wag mo na sya tinatanong sa ganyan!" natatawang bawal ko kay Airel.
Sa On cam kasi sila pero off cam hindi. Wala pa rin silang label pero kahit off cam ay sweet sila.
Hay nako! Bakit kasi ayaw n'ya pa? Sayang naman. Bagay na bagay sana sila at ang lakas ng chemistry pero wala talaga.
"Sayaw na tayo!" ayaw ni Airel.
"Go ako d'yan!" umiling si Ate Ellie sa mukhang ayaw n'ya talaga.
Kaya naman kami ni Airel ang nasa gitna at gumigiling ang aming katawan habang sumasabay sa tugtugin. Hindi kami nag hihiwalay na dalawa pero napalitan ng isang flirty song ang tug-tog.
Agad naging swabe ang galaw namin at may naramdaman na ko sa likod ko. Kumindat sa 'kin si Airel pero umiling ako.
Alam n'yang ayoko dito sa bar na kumukuha nang lalaki. I had a boyfriends pero never ko hinayaan na hawakan ako.
"Excuse me." natatawang alis ko don at sumunod si Airel.
Bumalik kami sa sofa at saka uminom na uminom hanggang sa umikot na ang paningin ko. Nag paalam na si Ate Ellie ba uuwi ay hinayaan ko 'to.
Nag aya na naman si Airel sa gitna. Nag pahila na lang ako dito at saka sumayaw ng sumayaw. Hindi pinansin ang lalaking sumasayaw sa likod ko. Hinawakan nito ang bewang ko at hindi ko alam bakit nag iinit ako sa hawak nito.
Sino 'to? Bakit ganito epekto sa akin?
Naramdaman ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko.
Humarap ako dito. Hindi ko maaninag ang kanyang muka. Sinabayan ko sa pag grind ang katawan nito. Uminit ng uminit ang katawan ko.
Damn! Who is he? Bukod kay Tian? S'ya lang!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako na mismo ang humalik dito. Agad n'ya kong sinalubong ang halik ko.
Mukhang hindi ko agad makakalimutan ang lalaking 'to. I want to know him more, i want him. Sino s'ya? Bakit hindi ko
maaninag ang kan'yang mga mata.
----