Isang mahigpit na yakap agad ang sinalubong ko kela mommy ng makita ako nito. Walang pagsidlan ang saya ko dahil sa nalaman ko kahapon. Lahat ng takot ko ay napawi tungkol sa anak ko. Wala ng mas sasaya pa sa mga nalaman ko. Kahit matagal, makakakita pa rin ang anak ko. At sa bawat taon na lilipas ay alam kong may mga development na mang yayari. At sa US, namin gagawin ni Tian ang operasyon ni Tianna. Sigurado na ang lahat, ang mga mata ko ibibigay ko sakaling wala pa makitang donor. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko, gagawin ko lahat para lang makita ni Tianna ang mundong nag hihintay para sa kan'ya. Pag katapos ng check up ay nag punta kami ng mall para maglibot, walang pagsidlan sa tuwa ko. Marami akong binili sa US mga iba't ibang laruan para sa mga bata, damit, regalo kela mom