~(JANEL HALENE SYJUCO POV) "Go Parter!" I cheered for him habang dini-dribble niya ang bola. Alam kong hindi niya ako naririnig dahil isang damukal na kababaihan ang sumisigaw sa pangalan niya. He looked so handsome with his white jersey na may logo ng team nila sa gitna. Siya lang yata ang basketball player sa course niya so full force na ang buong pre-med including nursing. "Hernandez for 3! Bang!" "Woah!" I exclaimed nang makita kong pumasok ang bola sa ring. Lalong lumakas ang sigawan sa buong court. Kanina pa mainit ang laban at dikit pa rin ang score sa 23-20. Agad kong inangat ang kamay ko sa ere nang tumingin ito sa direksyon ko. Hindi naman ito nagdalawang isip na paunlakan ang high-five ko. Lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko and because of that I got so much attenti