~(JANEL HALENE SYJUCO POV) Sinimulan ko nang ayusin ang mga sapatos sa walk-in closet ko dahil nakatanggap na naman ako ng mga bago mula kay Grandma. Just like mom ay hindi rin talaga ito tumitigil sa pagsho-shopping in different stores even online. She's old but still have taste. Napansin ko ang pair ng sneakers sa isang sulok sa ilalim. Inabot ko iyon at tiningnan because it looked familiar. Naalala kong iyon ang sneakers na pinahiram sa akin ni Kenrix. Humugot ako ng malalim na hininga. He told me na ibalik ko iyon sa kanya pero nawala na iyon sa isip ko at sa nakalipas na buwan noon ko lang iyon nakita sa lalagyanan ng mga sapatos ko. Noon ko lang din napansin na may nakaburda sa ilalim ng tongue ng magkabilang sapatos. Halene Kumunot agad ang noo ko. No... it wasn't mine. "Hal