MAYBELLE "Sure ka ba talaga dyan sa gagawin mo? Pwede pang magbago yung isip mo Maybelle." seryosong sabi sakin nung babaeng kanina ko pa kasama dito sa hotel. Napatingin naman ako kay Charity after nya sabihin yon. Oo nga, sigurado ba talaga ako dito? Bakit nga ba hindi ko sinunod yung sinabi ni DJ Tasya kay Klang na wag ko na lang ituloy yung pagtulong ko kay Jordan dahil bukod sa masasaktan ako, pwede daw yun pagmulan ng problema namin ni Clarence. Bakit daw hindi ko na lang sabihin kay Jordan yung totoo kase kung totoong nga daw na mahal talaga nya yung girlfriend ko, maiintindihan nya daw yung feelings namin ni Rence para sa isa't-isa. Well, yun din naman yung sinabi nila Klarisse sakin gawin ko, sabi pa nga nya, subukan ko daw ituloy yung plano kong pagtulong sa bayaw nyang hilaw