MAYBELLE “Tah ka Pining! Ano yon? Papano nangyari yon?” medyo OA na reaction ni Tasing nang makauwi kami ng bahay. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila makapaniwala sa nakita nila kaninang kissing scene ni Pining at Charity. Well, kahit ako rin naman hindi makapaniwala pero nung nakita ko kasing hinila ni Cha si Pining, alam ko na yung susunod na mangyayari. At bukod sa baka magkalovelife na si Pining, may libreng ice cream pa kami kanina kertisi of Juling. Kaya nga kanina pa nakabusangot yung mukha nya eh. Kami daw yung may pera pero hayok daw kami sa libre. Duh! Pumayag sya eh, wala na kong kasalanan non. “Oo nga! Bwisit ka! Nalagasan ako ng pera dahil sa’yo! Nakakaloka ka! Nasaan na yung sinabi mong ayaw mong maging rebound?” sabi naman ni Juling. Tumingin lang kay Klang si Pining na p