MAYBELLE “Anyonay ni Nglang! Ang hama ng muhong!” palatak ni Pining nung makauwi ako ng Pilipinas after ng kasal nila Klang and JT. Umuna na kong umuwi kase alam kong itutuloy na ni JT yung maitim na pagnanasa nya dun sa pinsan ko eh. Ako pa nga yung inutusan nyang magnakaw nung posas na ginamit nya nung nasa kotse na sila. Tsk, kawawang Klarisse, tinigang ba naman si JT eh, kaya yun, kulong sya ngayon sa kwarto. (Ang joray ni Klang! Ang haba ng buhok!) “Eh mas mataray si Meng! Sya yung nakasambot nung bulaklak. Ibig lang sabihin, sya yung susunod na ikakasal” sabi naman ni Juling. Oo nga pala, sa kasamaang palad, ako yung nakasalo nung inihagis ni Klang. Buti na lang wala nung time na yon si Clarence dahil baka kung ano na namang isipin nyang pangmomolestya kung nagkataon. “Ano ba na