MAYBELLE “Hey, wake up sleepy head!” narinig kong sabi sakin ng katabi ko sa kama. “Ano ba yan, ang aga-aga pa no!” sagot ko sa kanya habang nakapikit pa rin. “But I have to go na, my mom’s looking for me” Bigla naman akong natauhan. Kelan pa ko nagkaron ng katabing matulog? Agad kong minulat yung mga mata ko at biglang nanlaki yung mga to nang makitang nakangiting nakahiga sa tabi ko si Clarence. At dahil sa pagkabigla, wala sa loob na itunulak ko sya at mukhang napalakas yata dahil napaakyat si Mama sa kwarto ko. “Anong nangyari dyan Meng?” nag-aalalang tanong ni Mama nang makapasok sa loob ng kwarto. “ARAY!” rinig naming sabi ni Clarence. Hah! Nagtatagalog pala sya pag nasasaktan sya eh. Lagi ko na lang kaya syang itulak para lagi na lang syang magtagalog. Charaught lang. “Maria