MAYBELLE “Hoy! Bat nakatulala ka dyan?!” narinig kong sabi ni Klarisse. Tumingin lang ako sa kanya. Well, kahit ako kase hindi ko alam kung bakit ako nakatulala ngayon. Basta ang alam ko lang, wala ako sa mood ngayon at wala akong ganang umalis ng bahay. Ewan ko ba, basta paggising ko kanina, ang may mabigat sa dibdib ko. (o wag puro kababuyan yung iniisip nyo, yung pakiramdam yung sinasabi ko ha, may mabigat na pakiramdam.) At hindi ko alam kung bakit at kung para saan yon. “Parrrrrooooooooooottttttttttttt!” tawag pa sakin ng magaling kong pinsan. “O bakit ba?” walang ganang tanong ko sa kanya. “Ano bang nangyayari sayo?” Ano nga ba? Ano nga bang nangyayari sayo Maybelle? Hindi ka naman dating ganyan ah! “Wala” matamlay na sagot ko. “May sakit ka ba?” tanong nya sakin habang chnec