MAYBELLE “Eh ayoko! Baka mabombard ako non! Kapag naman nagkagipitan na at nag-ala tigre na yung pinsan ko, nang-iiwan ka naman sa ere, nagiging duwag ka ng bongga!” Kausap ko ngayon si JT. Pinipilit akong painumin ng pampatulog si Klang para madala namin sa Pagudpud. Pano ba naman, ang arte-arte ng pinsan ko, nang malaman na kasama si Charity, hindi na daw sya sasama. Eh malamang, gusto naming lahat na kasama sya, at saka si JT kaya yung nagplano nitong Pagudpud getaway na to. “Sige na Maybelle, ikaw na lang yung pag-asa namin para makasama sya. Promise pag nagawa mo to, isasama natin yung mga friends mo” pilit pa sakin ni Jordan. Aba at talaga yung tatlong itlog pa yung ginamit nya para pumayag ako ha! Asa naman sya?! Eh mas gusto ko ngang hindi sila kasama dahil baka kung anong kahi