MAYBELLE
“Babalik ako don!!!” malakas na sabi ko sa tatlong kasama ko.
Bigla naman silang lumayo sakin.
“Anong paandar yan Meng? Matapos mong magwalk-out at magcrayola dyan, bigla mong sasabihin na babalik ka sa loob? Eh baka majombag ka lang nung vaklush na tumawag sayo kanina” pabaklang sabi sakin ni Tasing.
“Naisip ko kase, ayokong maging sidekick na lang ni Klarisse habangbuhay!” sabi ko sa kanila.
“Kung walang kikilos sino ang kikilos?!” narinig kong sabi ni Juling.
“Ngung hinni ngayon ngaila ma” muntik na kong matawa nung si Pining yung nagsalita, itinaas pa nya yung mga kamay nya!
“Katarungan para kay Mengmeng!” sabi naman ni Tasing!
Agad ko naman silang pinagbabatukan! Aba’t ginaya pa talaga nila yung dialogue ni Ate V dun sa isa nyang movie ha! At kung makasabi naman ng katarungan tong si Tasing akala mo naman deds na ko.
“Pero tingin nyo pwede pa kaya?” tanong ko pa.
“Malay natin. Bat di mo subukan?”
Tumango naman ako at dali-daling bumalik sa loob. Pero bago pa ko makapasok sa audition room ay hinarang na agad ako ng isang atribidang babae na nakapila.
“Hoy Miss, umalis ka na sa pila kanina kaya hindi ka pwedeng bumalik!” pagtataray nito.
Ay teka si ate o, gusto ng exposure sa story ko. Pwes, hindi ko ibibigay yung gusto nya. Hindi ko lang sya pinansin at dere-derechong naglakad.
Akmang sasabunutan nya ko pero agad humarang yung mga relai, reley, relayabol kong friends.
“Subukan mong dumampi yang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan ng kaibigan ko, manghihiram ka ng mukha dyan sa katabi mo!” narinig kong sabi ni Juling dito. Lumingon naman ako sa babaeng itinuro ng kaibigan ko.
Muntik na kong matawa dahil mukhang kuhol si ate, makanguso wagas! Tapos ang kapal pa ng labi o. At hindi ko na napigilan yung tawa ko nang ngumiti sya dun sa babaeng umaway sakin ng pagkatamis-tamis. Diring-diri naman syang itulak nung babae. Si ate choosy pa, di rin naman sya kagandahan.
“Oy number 3015, andyan ka pala, kanina pa kita tinawag ah!” napalingon naman ako sa vaklush na nagsalita sa likod ko.
“Sorry po, nagrestroom lang po ako, sumakit po kasi yung tyan ko kanina eh” pagdadahilan ko dito.
“O sya sige, mamaya after lunch, ikaw yung una kong tatawagin, kailangan lang kasing kumain nung mga judges and critics natin sa loob eh” sabi nito sakin.
Bigla namang nagliwanag at nagningning yung mga mata ko. Pumayag sya, ibig sabihin may pag-asa pa ko! Woot woot!
Nagulat sya nang bigla akong umiyak at yumakap dito.
“Maraming salamat po, hindi nyo po alam kung gaano kalaking tulong to. Mapapagtapos ko na po ng pag-aaral ang mga kapatid ko, titigil na po sa pagtanggap ng labada ang inang ko, at hindi na rin po mag-aararo sa bukid ang aking amang.” Pag-arte ko sa harap nya.
“Sorry miss ha, reserve mo na lang mamaya yang pag-arte mo, di naman ako kasali sa pipili eh” natatawang sabi nito.
“Ay ganun ho ba? Sareeeh” nakangiting sabi ko habang pinupunasan yung mga luha ko.
“Pero in fairness magaling ka, I like you” sabi pa nito.
“I like you din po. So ibig po bang sabihin tayo na?” nakangiti ko pang tanong sa kanya. Oh well, cutie pie naman kasi tong vaklush na to eh, pwede nang jowain kung wala na talagang choice. Ako na lang yung magiging padre de pamilya. Chos!
Diring-diri naman syang lumayo sakin.
“Pwede ba, di kita betchikola no! Shupi at baka magbago pa yung isip ko!” natatawang sabi nito.
“Eh, basta we like each other ha. So I like you, you like me, we’re a happy family, with a great big hug and a kiss from me to you, won’t you say you like me too” pakantang sabi ko sa kanya.
“Gaga, love yon, hindi like, at kamusta naman na ginawa mo pa kong si Barney”
“Aww, you love me na agad? Nakangiting sabi ko sa kanya.
Lalapitan ko ulit sana sya para yakapin pero bigla syang nagsalita.
“Subukan mong lumapit sakin, hindi kita papapasukin sa loob” banta nya pero nakangiti.
“Ikaw talaga labs, ang pakipot mo. O sige na nga, mamaya na lang.” sabi ko sa kanya.
Tatalikod na sya nang bigla akong magsalita.
“Goodluck kiss ko naman dyan labs!”
“Ah hindi ka talaga titigil? Gagawin mo pa kong lesbiana, bwisit ka!”
“Eto naman di na mabiro, sige na, kita na lang tayo mamaya ha, bye labs, mwah! Balik ako ng 1pm ha!”
“Oo na, Tse! Alis, Tsupi! Layuan mo ko!”
“Pakipot!” sigaw ko sa kanya bago pa sya makapasok sa audition room.
Agad namang nagtalunan at nagpalakpakan yung mga kaibigan ko.
“YES!! May pag-asa ka pa Mengmeng! Go for the gold and not for the silver!” sabi ni Tasing!
“Bring home the bacon, tapos kainin natin!” sabi naman ni Juling.
Magsasalita pa sana si Pining pero agad ko syang pinigilan.
“Ops! Wag ka na munang magsalita, nahihirapan si author na isulat yung dialogues mo, pag yan hindi nakapagpigil, baka patayin nya yung character mo!” natatawang sabi ko sa kanya.
Sumimangot naman sya at bumulong-bulong. Natawa naman kaming tatlo sa reaksyon nya.
Dun muna kami tumambay sa may mga kainan sa loob ng ELJ building.
“Meng practice tayo bilis. Malay mo swertehin ka, at least hindi masasayang yung pagpunta natin dito”
“At ano namang ppracticin’ natin?”
“Yung pagsayaw, pagkanta, pag-arte, at kung anetch anetch pa!”
“Ay ayoko nga nakakahiya! Andaming tao o, mamaya na lang sa harap ng mga judges no!”
“Ay ang arte, kelan ka pa nagkaron ng kahihiyan?”
“Hmmm, 3 seconds ago kaya wag kang makulit. Nagcconcentrate ako!”
“Saan?” takang tanong nila.
“Sa pagmememorize.”
“Ng?”
“Ng sagot sa question and answer portion”
“Huh? Wala namang ganun samin eh”
“Ows? Seryoso?” tanong ko.
“Ay meron pala, tanung ng tanong yung magandang babaeng englishera.”
Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba. Inglisera? Naman e! bat hindi ako nainform agad? Eh di sana hindi na ko nagpumilit bumalik dito. Inis na tiningnan ko sila.
“Bat hindi nyo sinabi sakin na inglisera pala yung isang judge?”
“Di ka naman nagtatanong eh. Saka madadali lang naman yung tanong nya. Saka pwede mo namang sagutin ng tagalog yun eh!”
“Sure kayo dyan?”
Sabay-sabay naman silang tumango. Buti na yung nagkakaintindihan. Dibale sana kung ganito lang yung tanong nya. ‘what is the center of the solar system?’ aba kayang-kaya kong sagutin yon ng walang kahirap-hirap dahil napanood ko yun sa sineskwela noon. Ang sabi nga ni sharia luna ‘the sun is the center of the solar system and moving around it are the planets’ oha! Maning-mani o! At English pa yun ha!
“Alam mo crush ko si ateng englishera” narinig kong sabi ni Juling.
“At kelan ka pa naging shibambalou?” tanong ko sa kanya.
“Pag nagkacrush sa babae, shibam agad? Di ba pwede girl crush lang? Normal naman yon diba?”
“Asus, dyan din nagsimula si Klang, o eh tingnan mo ngayon, 2 years na sila ni JT!”
“Ano ka ba naman, ang cute kaya nilang dalawa. Di naman sila mukang shibam eh, babaeng-babae pa rin naman silang dalawa hanggang ngayon. At hello, kung ako man yung liligawan ni Justine, aba kesehodang maging shibam ako pero iggrab ko na yung oportunidad! Nakangiting sabi ni Tasing.
Naiiling na tumayo na lang ako para bumili ng pagkain, at pagkaswerte-swerte ko nga naman dahil pagtayo ko, may nakabungguan ako at natapunan pa ko ng tubig. Hala, basa yung harap ng gown ko. T_T.
Pasalamat tong babaeng to at hindi ako warfreak kaya nagpilit na lang akong tumayo. Nagulat ako nang may mag-abot ng kamay nya sakin. Agad ko naman syang tinignan. Kumurap-kurap ako dahil parang pamilyar yung feslak ni ate.
“I’m really really sorry Maybelle. Let me help you change your clothes” okay nosebleed. At pamilyar din yung boses ni ateng. Ay wait wait, bat nya alam yung pangalan ko. Nakalagay ba yung sa number na nakadikit sa damit ko. Agad ko namang chineck yung sticker. Hmmm, wala naman, eh papano nalaman ng babaeng to yung pangalan ko.
Takang tumingin ako sa kanya.
“Don’t you remember me?” nakangiting tanong nya.
Huh? Kilala ko ba sya? Wala naman akong matandaan na classmate na ganito yung itsura, dibale na lang kung nagpaplastic surgicals. O kaya baka naman isa sa mga matataba kong kaklase na nagpa-lipo, lopo, lemposaction. Oha, kala nyo hindi ko alam yon no! Duh, wais yata to!
“Ahm, do I know from somewhere out there, beneath the pale moonlight?” tanong ko sa kanya.
“Yeah, we’ve met. At the park, remember? The other day?” sabi pa nito.
Park, park, park. Saglit na nag-isip ko. At biglang nanlaki yung mata ko nang makilala sya. Tama! Sya yung walang pakundangang humalik sa pisngi ko.
“Oh I remember now, you was, were, are, ugh, the one who kissed me!” naniningkit ang matang sabi ko sa kanya.
“Ahuh!” nakangiting sabi nya.
Aba at may gana pa syang ngumiti ha! Pasalamat sya hindi ako marunong mang-away dahil kung hindi, baka kanina pa sya nakabulagta dyan.
“K.” walang ganang sabi ko.
“I’m sorry about that”
Ah marunong naman pala syang magsorry eh. O sige na nga ok na.
“Sa kiss?”
“Nah, that one” sabay turo nya sa damit ko.
“Oh I see” naks English na naman, akala nya sya lang marunong ha!
“Yeah, not sorry about the kiss, I liked it.”
Tinaasan ko naman sya ng kilay. Natawa naman sya sa reaksyon ko.
“You really are cute” sabi pa nya.
“Tse, chupi at kakain pa ko, mamaya nyang ma-late pa ko sa audition.” Alam ko namang naintindihan nya yon dahil marunong syang magtagalog.
“Audition for what?”
Pinaikot ko yung mata ko habang tinuturo yung sticker. Bulag ba sya, ang laki-laki nyan o, Pinoy Big Brother, duh!
“Oh ok”
“So chupi na. At wag na sana kitang makita ulit!”
“Nah, I’m pretty sure that we’ll see each other again” siguradong sabi nito.
“Tse! Ewan ko sayo, kthanksbye!” yun lang at iniwan ko na sya, keri na tong damit ko, di naman gaanong basa, medyo lang, saka matutuyo din naman agad to.
Sandwich lang yung binili ko at inubos ko agad bago pa man ako bumalik sa table namin dahil alam kong uubusin lang yun ng mga patay-gutom kong kaibigan kung dadalhin ko pa sa table.
Nagulat ako dahil pagbalik ko sa table ay nakanganga lahat ng mga kaibigan at tumutulo pa yata yung mga laway. Anyare? Sinapian ba tong mga to? Naging zombie ba na ba sila? Kailangan ko na bang umalis dito at tumawag ng tulong?
O kailangan ko nang tumawag ng albularyo? Oh my gosh! Agad ko silang nilapitan at pinagsasampal!
“Aray naman!” sabay sabay na sabi nila habang hawak-hawak yung mga pisnging pinagsasampal ko.
“Bat mo kami sinampal?” maluha-luhang tanong ni Juling.
“Aba eh nakatulala kayo na nakanganga at tulo laway dyan, malay ko ba kung nasapian kayo” natatawang sabi ko.
“Sana man lang nagtanong ka muna bago ka nanampal!” sabi naman ni Tasing.
“Eh nagpanic nga kasi ako. Sorry na”
“Mano naman ngase, naita namin yung nrush naming nahlo”
“Ah yung judge, bat di nyo tinuro sakin?”
“Eh sya kaya yung—“
Hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Tasing dahil malapit nang mag 1pm. At hello, basa pa rin yung damit ko. Kasalanan talaga ni, ano nga bang pangalan nya? C ata or R nagsstart yun eh. Aish, nevermind na lang, di din naman ako interesado, naiinis pa nga ako sa kanya dahil sa ginawa nya. Sana lang talaga hindi ko na sya makita kahit kelan!
Nagmamadali akong tumakbo papunta sa audition room. Takang sinalubong naman ako ni Labs.
“O bat basa ka?” tanong nya sakin.
“May nakakastress kasi na babaeng bumangga sakin labs eh.”
“Pwede ba wag mo nga akong tawaging labs!”
“Sus, pakipot!”
“Heh, lika nga dito!” sabay hila nya sakin papasok ng audition room. Ipinasok nya ko sa isang mas maliit na kwarto.
“Labs naman, kung may plano kang i-rape ako wag naman muna ngayon, may audition pa ko eh, pagkatapos na lang” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Heh! Hubad!” narinig kong sabi nya.
“Gosh labs, sabing mamaya na eh!”
“Gaga! Hubarin mo yang damit mo at isuot mo to” sabay abot nya sakin ng dress. “ Kung gusto mong magustuhan ka nila, hubarin mo yang makalumang gown na yan!” naiiling na sabi nya.
Grabe naman ang hard naman nya sa gown. Inis na kinuha ko yung dress at hinubad yung gown ko.
“Langya ka naman, wala ka man lang pasabi na maghuhubad ka na!” inis na sabi nya sabay talikod.
“Asus, bakit, tumatayo na ba?” natatawang tanong ko sa kanya.
“Asa ka te, wala, patay na bata!” sabi naman nya.
“O, pwede ka nang humarap!” sabi ko sa kanya matapos kong maisuot yung dress.
“Whoa!” nagpapapalakpak na sabi nya. “O di yan, mukha ka ng tao” nakangiting sabi nya.
“Grabe ka naman! Anong tingin mo sakin kanina?”
“Wag mo na lang alamin at baka masaktan ka lang”
“Pero labs, salamat ha. Bat mo pala ko tinulungan?”
“Gaga, wag ka saking magpasalamat, dun sa amo ko. Inutusan nya ko na ipasuot sayo yan”
“Oh, sinong amo mo, saka kilala nya ko?”
Nagkibit-balikat lang sya. Ay ang arteng bakla, ayaw pang sabihin.
“Eh sya eto na lang, magpeperform ba ko sa harap ng maraming tao?”
“Nope. Tig-iisang judge/critic yung nasa maliliit na rooms na yan, so meaning, sa isang tao ka lang magpeperform.
Nakahinga naman ako ng maluwag. At least hindi ganun mappressure ng bongga.
“So ready ka na ba?” tanong sakin ni Labs.
“Yes Labs. Sabihin mo pala sa amo mo salamat ha!”
“Pwede kang magpasalamat ng derecho sa kanya. Sya kasi yung magjjudge sayo eh”
Tumango-tango naman ako.
“Oh ok.” At least kakilala nya ko. Hindi na ko mahihiyang magperform sa harap nya.
“Next!” narinig kong tawag nung nasa maliit na room.
Tinanguan naman ako ni Labs. Kabadong pumasok ako sa room.
At ganun na lang yung panlalaki ng mata ko nang makilala kung sino yung magjjudge sakin. At sa kanya din galing tong dress na to. Oh no, hindi totoo to.
“Hi Maybelle, nice to see you again” nakangiting sabi nito.
“I-ikaw?” mahinang sabi ko sa kanya.
“Ahuh. Told yah, we’ll be seeing each other again” sabi nya sakin sabay kindat. “Ready? Goodluck!”
Okay, pwede bang umatras na lang ulit? Nasstress ako, nasstress ako, nasstress ako!
Oh well, goodluck talaga sakin!