AMBER’S POV KOMPLETO ang brotherhood. Kasaluluyan na nasa bar na pagmamay-ari ni Lance. Pinag-uusapan nila ang tungkol pagkasunog ng factory ni Wyatt. Si Corbin mismo ang nag-imbestiga. Natukoy niya na hindi aksidente ang lahat at may pananabotaheng nangyari. Malaki ang posibilidad na empleyado rin ang mismong salarin dahil alam ang pasikot-sikot sa factory. Sinira ang mga CCTV sa parti nan g bodega para walang makuhang ebedinsya. Pinayuhan niya si Wyatt na magpanggap muna na walang alam para lihim na maimbestigahan ang lahat ng empleyado. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan. Iisa lang din ang speculations ng brotherhood tungkol sa sunog. Hinala nila nakipagsabwatan ang karibal na kompanya sa isa sa mga empleyado ni Wyatt. Napansin ko ang pangangalit ng bagang ni Wyatt. Hi