CHAPTER TWENTY-SIX

2166 Words

CHAPTER TWENTY-FIVE AMBER’POV DINALA namin sa hospital si Noah ngunit pagkatapos gamutin ay binigyan lang ng reseta at pinalabas na kaagad. Sa bahay lang daw siya magpaggaling sabi ng doktor. Ngunit kailangan na bantayan ang mga warnings signs tulad ng pagsusuka at matinding pananakit ng ulo. Oras na makaranas daw ng ganito ay dalhin daw kaagad sa emergency. Hindi pinayagan ni Wyatt na makalusot si Noah sa ginawang pananakit sa akin. Nagkaharap kami sa presinto. Daig pa niya ang maamong tupa dahil kumalma na. Nakayuko lang the whole time. Tahimik. Abot-abot ang paghingi ng pasensya. Maibibigay ko kaagad sa kanya ang hinihingi niyang kapatawaran. After all, maganda ang pinagsamahan namin. Nasira nga lang. Pinapirma namin siya sa kasulatan na hindi na uulit sa ginawang pananakit sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD