BUMUNTONG-HININGA ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Tumitig ako sa sarili kong mga mata na naluluha pa. Again, I’ve thrown up. Pumikit ako ng mariin nang maramdamang bumabaliktad na naman ang sikmura ko. Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ang mga kamay ni Ace na hinaplos ang magkabilan balikat ko. “How do you feel, baby?” hindi ako sumagot. Sa totoo lanag ay hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, “please tell me you’re fine,” ngumiti ako at tumango sa kanya. “I’m fine, kaninang umaga pa masakit ang ulo ko pero ayos lang. Tara na?” mataman muna niya akong pinagmasdan, bakas sa mukha niya ang pagaalala pero bumuntong hininga na lang siya at tumango. “Okay, but please tell me if you’re not feeling well, okay?” tumango ako at ngumiti. Tahimik lang ako buong biyahe