CHAPTER 3: Jobelle Borja

1939 Words
“ELLE, pansinin mo naman ako. Pinapatanong ni Phoenix kung pʼwedeng mahingi ang phone number mo. Ibibigay ko ba?” Napapikit ako nang marinig ang sinasabi ni Zon sa akin, hindi ko siya pinansin. “Elle, wala tayong naririnig, okay? Wala! Mag—focus tayo sa pag—aaral,” kausap ko sa aking sarili. “Elle naman! Para kang walang naririnig! Ibibigay ko ba phone number mo para ma—i—text ka niya bukas. Baka kasi indianin mo raw siya!” Napahinto na ako dahil sa panay dakdak ni Zon sa likod ko, may kasama pang kalabit na. “Stop it, Zon! Naririndi na ako sa boses mo!” madiin na sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid kaya hinila ko siya, dinala ko siya sa walang tao. “Naririnig mo naman pala ako, Elle—aray!” malakas niyang sabi at napahawak sa kanyang kaliwang braso. Sinuntok ko siya. “Oo, hindi ako bingi para hindi ka marinig. Kaya mo ba ako sinundan dahil dʼyan sa sasabihin mo, ha?” tanong ko sa kanya. “Oo, tinanong ako ni Phoenix kung pʼwede nga raw mahingi ang phone number mo! Sinabi ko sa kanya na ipapaalam ko muna... Nag—cr lang ako, pagbalik ko umalis ka na kaya hinabol kita!” Hawak pa rin niya ang kanyang braso. “Tsk!” I clicked my tounge dahil sa Phoenix na iyon. “I—chat na lang niya ako—” “Hindi ka nagrereply, Elle! Isang araw bago ka magreply!” mabilis niyang singit sa sinasabi ko. “Busy ako, kaya hindi ako makapag-reply agad! Ako ang nag—a—asikaso sa dalawang kapatid kong nasa 5th grade pa lamang... Ako rin ang nagche—check sa kanila galing school kung may mga assignment silang need gawin, Zon, kaya busy talaga ako! Ayokong iasa lahat sa parents ko, pagod na nga sila sa small boutique namin kaya dapat pag—uwi nila ay magre—relax na lamang sila. Kaya naiintidihan mo na ba? Pakisabi kay Phoenix sisipot ako bukas, bago mag—nine nandoon na ako sa usapan naming dalawa, okay?” inis kong sabi sa kanya. Hindi ako bumibigo sa pangako ko, ano! “Alam ko namang sisipot ka talaga, pero gusto niya talaga, Elle. Ibigay ko ba? Actually, iyong mga phone number namin ay binigay na namin sa kanya, maging sina Nikki and Cristy—” “Ayoko pa rin! Subukan mong ibigay ang phone number ko, Zon, isusumbong kita sa mama mo, okay?” Tinapik ko ang kanyang braso at lumakad na. “Pakisabi na lang sa kanya ay i—add ako sa facetagram account ko, i—accept ko agad siya!” pahabol na sabi ko at tumalikod na, kailangan pa ako ni Sir Marquez. Gagawin ko siyang excuse, kasalanan naman niya kung bakit late ako sa kasunduan namin ni Sir Marquez. Natapos ang Lunes namin na sumakit ang ulo ko dahil sa panay kalabit ni Zon sa akin. Hinihingi raw ni Phoenix ang phone number ko, pero hindi ko sila pinansin. Kaya pina—add ko na lamang kay Zon ang Phoenix na iyon sa account ko. Bakit ko naman agad ibibigay ang phone number ko sa kanya? Kakilala ko lang naman siya ngayong araw, kaya manigas siya. Sinukbit ko na ang backpack ko at tinignan si Phoenix. “Hey, i—adjust natin ang time na kikitain kita bukas... Eight in the morning na. Kailangan ko pa pala mag—aral bukas sa library, kaya before 8AM ay nandito ka na dapat sa harap ng classroom na ito, ha?” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “O—okay!” mabilis niyang sagot. “Good!” Lumakad na ako palayo sa kanila. Kailangan ko ng umuwi dahil aasikasuhin ko pa ang dalawang kapatid ko. “Elle, wait for us!” Nilingon ko sina Cristy and Nikki. “Dalian niyo! Baka mahaba na naman ang pila sa traysikel!” saad ko sa kanila. Time check 5:45PM, natagalan kami sa paradahan ng traysikel, ang haba naʼng dumating kami. Ang dami talaga naming kalaban kapag 5PM ang uwian, maging ang mga office worker kasi ay kasabayan namin. “Ate Elle!” Niyakap ako ni Karleen nang makita niya ako. “Ang tagal niyo pong umuwi, akala namin ni Jeremiah ay pumunta ka po sa boutique muna!” sabi niya habang nakatingala sa akin. Ginulo ko ang kanyang buhok. “Nope. Mahaba ang pila sa paradahan ng traysikel, Karleen... Nasaan pala si Jeremiah?” tanong ko sa kanya habang nililibot ang aking tingin sa paligid. “Nasa banyo po, umeebak! Ang baho na naman ng banyo! Iyong ebak niya parang isang linggong binuryo bago ilabas! Kadiri!” Napangiwi ang kanyang labi nang sabihin niya iyon, natawa na lamang ako sa kanyang sinabi. “Oh, siya mag-aral ka na muli. Kukuha lang ako ng damit at maghihilamos tapos iinit ko na iyong ulam natin,” sabi ko sa kanya. “Okay po, ate. Sabihan ko si Jeremiah na mag—spray sa banyo para mawala ang nabubulok na amoy! Tapos, gusto ko ng hotdog po!” Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata. “Sige, magpi—prito na rin ako. Baka mamayang nine pa umuwi sina Mama at Papa.” Tumango naman siya sa akin, kaya ako ay umakyat na sa kʼwarto ko para kumuha ng pamalit na damit at makapaghilamos na rin. “Jeremiah, tapos na ba ang mga assignment mo?” pagtatanong ko sa kanya. “Ate, iyong akin tapos ko na! Si Jeremiah, inuna ang panonood at paglalaro sa online games!” “Sumbungera ka talaga, Karleen!” “Inuna mo na naman ang panonood at paglalaro. Sabi ko sa iyo, unahin ang school works before that para mahaba pa ang oras mo, kaysa ganitong gabi na, maghahabol ka sa oras.” Pinagalitan ko siya. “Sorry, ate. Si Mark kasi ay sinabihan akong maglaro kami, gagawin ko po ang dalawang assignment ko bago matulog... Pʼwede namang pa—kopya na lang—” Tinitigan ko siya. “Sabi ko nga, ate, sariling sagot dapat,” bawing sabi niya at bumalik sa pagkain niya. “Karleen, huwag mong pako—kopyahin si Jeremiah ng sagot mo, ha? Magka—klase kayong dalawa, kambal kayo, pero hindi mo siya pʼwedeng tulungan pagdating sa ganito, okay? Dapat malaman ni Jeremiah na kailangan niya ring mag—step up sa studies niya,” saad ko kay Karleen at tinignan si Jeremiah. “Ikaw naman, Jeremiah, matalino ka rin kaya galingan mo. Hindi lang naman sa basketball ang talent mo, matatalino tayo, anak tayo nina Mama at Papa, okay?” Tinapik ko ang kanyang balikat. “Alam ko po, ate. Sorry!” “Wala iyon. Basta ang isukli natin kina Mama at Papa ay magandang grades para worth it ang pagod nila sa maghapong pagtitinda sa boutique natin sa palengke. Oh, siya, kumain na kayo, huhugasan ka pa niyang pinagkainan natin.” Mababait naman itong mga kapatid ko, kaya hindi sila problema at intindihin, pero kailangan ko pa rin silang bantayan dahil nasa 5th grade pa lamang silang dalawa. I heard my alarm clock rang, twice. Maagap akong bumangon sa kama nang marinig ko muli ang sunod na alarm. Napapahikab pa ako pero kailangan ko ng bumangon, masyado akong nag—focus kagabi na mag—advance read sa lahat ng subject ko, kaya hindi ko namalayang alas—dose na pala ng hatinggabi. Lumabas ako sa kʼwarto ko na dala ang tuwalya, nasa first floor ang banyo namin at sa second floor ay tatlong kʼwarto lamang, para kina Mama at Papa, sa akin at sa kambal kong kapatid, sa susunod dalawa na kami ni Karleen sa kʼwarto ko, lalaki si Jeremiah na dapat may personal space. “Magandang umaga, Mama!” malakas na bati ko sa kanya nang makitang pina—plantsa niya ang uniporme naming tatlo. Nakita ko ang gulat sa mga mata. “Oh, ang aga mo yatang bumangon, Elle? Alas—sais kwarenta pa lamang. Alas—diyes ang pasok mo, ʼdi ba?” takang tanong ni Mama sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Um, may bagong transferee po sa section namin, kailangan ko siyang ilibot sa school... Hindi ko po nagawa kahapon kaya today ko siya ililibot, maaga para makapunta pa ako ng library before ng first subject namin,” sagot ko sa kanya. “Ay, ganoʼn ba? May naliligo pa sa banyo, si Jeremiah. Maghintay ka na lamang sa lamesa, matatapos na rin iyon. Gusto mo bang ipainit kita ng tubig? Malamig ang tubig ng ganitong oras.” Ngumiting umiling ako sa kanya. “Ako na po magpapainit sa tubig ko po,” sabi ko sa kanya. Nagpa—plantsa na siya tapos mababasa siya, baka mapasma si Mama. Lumakad na ako papunta sa kusina namin, hinayaan ko na si Mama na magplantsa sa uniporme namin, maging ang akin ay pina—plantsa na niya agad. May tatlong uniform na pares lang kaming tatlo kaya mamaya ay pag—uwi ko, ibababad ko na agad para malabhan ni Mama pag—uwi nila. “Maganda umaga po, Papa!” nakangiting sabi ko sa kanya, nagsi—sinangag siya ng kanin ngayon. “Good morning, ate! Ang aga mong nagising.” “May kailangan lang po akong gawin sa school ng ganitong kaaga, Papa.” Nilagyan ko na ng tubig ang takure at sinalang sa kabilang kalan. “Sobrang sipag mo talaga, mabuti na lamang ay marami itong prinito ko. Magbabaon ka ba? Or, sandwich na gawa ko?” “Sandwich na gawa niyo po, Papa! Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya. “No worries, ate!” Sarap ng ganitong pakiramdam, iyong feeling na mahal na mahal kami ng magulang namin, at mahal din namin silang dalawa. “Jeremiah, dalian mong mag—asikaso! Baka dumating na si Mang Nestor!” Lumabas na ang kapatid kong lalaki, na kamukha ni Papa. “Alam ko po, Papa!” Napatingin siya sa akin. “Good morning sa pinakamaganda kong ate!” malakas niyang sabi habang hawak ang towel sa ibabang ibahagi ng katawan niya. “Ako lang naman ang ate mo, Jeremiah, kaya ako lang maganda, okay? Magbihis ka na roon! Si Karleen ay nakaayos na!” Ginulo ko ang buhok niya at tumakbo na siya papunta kay Mama. Nang kumulo na rin ang pinapainit kong tubig, tumayo na rin ako para kunin ang takure, pero inawat ako ni Papa. “Ako na, baka mabalyian ka pa nang mainit na tubig. Sayang ang kutis mo na mana sa akin.” Nakakalokong ngisi ang sinabi niya sa akin. “Si Papa naman! Alam naman nating kay Mama ako nagmana, hindi sa iyo!” I pop the balloon in his head right now. “Sinisira mo talaga ang strategy ng Papa mo!” Narinig kong binuhos na niya iyon sa timbang nasa banyo. “But, iyong pagiging matalino naming tatlo, nakuha namin sa inyong dalawa ni Mama, Papa!” Pampabawi kong sabi sa kanya. “Of course, Valedictorian at Salutatorian kaya kami ng Mama mo sa Mabunga High School, ha! Kung hindi ko lang mahal ang Mama, inagaw ko ang pagiging Valedictorian ni—” “Hoy, Kaito, naririnig ko na naman ang twisted story mo, ha!” Nagkatinginan kami ni Papa. “Ang talas talaga ng pandinig ng Mama mo,” bulong ni Papa sa akin. “Naririnig pa rin kita, Kaito!” Malakas nga ang pandinig ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD