NANGUNGUNOT ang noo nang may maramdaman akong sumusunod sa akin ngayon. Bakit ako sinusundan ng isang ito? Tapos naman na ang misyon ko sa kanya, nilibot ko na siya sa buong Mabunga High School.
Napahinto na ako nang makarating ako sa harap ng library at kinompronta siya. “Bakit mo ko sinusundan?” iritang tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mata niya. “Hindi kita sinusundan, Jobelle. Dito rin talaga balak kong pumunta, sa library.” Tinuro niya ang nasa likod ko ngayon. Tinitigan ko pa siya. “Hindi ba pʼwedeng pumunta rito? Kailangan ko rin mag—aral, late ako ng isang linggo,” saad niya sa akin.
“Wala akong sinabing ganoʼn.”
Nire—reverse psychology niya ako. Hindi na ako nagsalita at pumasok na ako sa loob. Humanap ako ng table sa dulo para makapag—focus talaga ako. Nilaspag ko roon ang aking backpack at umalis muli para kumuha ng iba pang book na need kong gamitin, extra learning.
Nang makakuha ng tatlong books ay muli akong bumalik sa table ko, napahinto ako nang makita si Phoenix sa harap ng upuan ko.
“Hey, bakit nandito ka? Lumipat ka nga ng upuan mo,” madiin na sabi ko sa kanya.
Ang daming bakanteng table, sa akin pa ang napili niya, ha?
Iniinis talaga ako ng isang ito.
“Mas gusto ko rito, Jobelle. May electric fan at malapit sa mga book shelves,” sagot niya sa akin ay tinuro ang mga iyon.
Nakagat ko ang aking ibabang labi, naiinis na ako. “Maraming electric fan dito. Iyong kabilang table, malapit din sa book shelves, kaya lumipat ka roon!” madiin na sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ang tinuro kong table sa kabilang side namin. “Apat sila. Gumagawa sila ng reporting, makakasagabal lang ako. At saka, mag—isa ka lang dito sa table. Hindi mo naman binili ang buong table na ito para walang tumabi sa iyo?”
I was to stunned to speak. “Wala akong sinabing binili ko ang table na ito. Gusto kong makapag—isa at makapag—concentrate sa binabasa ko, Phoenix. Kaya kung iinisin mo ang ako, lumipat ka na sa ibang table.” Pinapakalma ko ang aking sarili, pero konti na lamang ay mapipigtis na dahil sa kanya.
“Ayoko. Hindi rin naman tayo magkaharap sa isaʼt isa kaya hindi ako sagabal. Mananahimik ako sa tabing ito, Jobelle. Kaya malaya kang mag—aral.”
Nalutol na ang pisi na nag—uugnay na pasensya ko. “Just f*****g go! I need to study hard!” Hindi ko na napigilang mapasigaw at mahampas ang table dahil sa inis ko.
“Please quiet at the last table!” Bumalik ang wisyo ko nang marinig ang malakas na boses ng librarian. “Ikaw pala iyan, Miss Borja. Hindi ko inaakalang ikaw ang sumigaw at pumalo ng table. Nasaan ang manners mo?” Tinitigan niya ako nang matalim, habang hawak niya ang kanyang salamin sa mata.
Napayuko ako sa kanya. “Iʼm sorry, Miss Librarian. Nadala lang ako sa init ng ulo ko. Hindi na mauulit,” mahinang sagot ko sa kanya.
“This is the last warning, Miss Borja, mapupunta ka sa detention. So, stay quiet at panatilihin ang peace sa library.” Tumango ako sa kanya.
“I know po. Sorry again.” Nakita ko pa ang paghagod ng kanyang tingin sa akin at lumakad na siya palayo. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon.
Muntik pa ako magkaroon ng detention dahil sa bwisit na Phoenix na ito.
Naupo na lamang ako at hindi na lamang siya papansinin. Malalagay pa ako sa alanganin dahil sa kanya.
Binuklat ko na itong book na kinuha ko at nagbasa na ako para sa advance lesson na ginagawa ko everyday.
“Jobelle, Iʼm sorry kung napagalitan ka kanina.” Narinig ko ang sinabi niya, pero hindi ako nagsalita. “I know na kasalanan ko ang nangyari kanina. Gusto ko lang naman maki—share ng upuan para mag—ask sa iyo sa ibang subject. Sorry.”
Napatingin ako kay Phoenix nang marinig ang sorry niya. Tinignan ko siya at napatingin sa librarian na sumuway sa amin, nakita ko ang pagtingin niya sa side namin, binabantayan niya ako. “Itʼs okay... Kasalanan ko rin kaya sumigaw ako, pero Iʼm not fan of prank, okay?” babalang sabi ko sa kanya at nagbasa na lamang muli.
“Tatandaan ko iyon, Jobelle. Again, Iʼm sorry.”
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagbasa na lamang kaysa bigyan siya ng atensyon. Niligpit ko na ang mga librong ginamit ko nang makitang sampung minuto na lamang before the bell. Tumayo na muli ako at binalik ang librong kinuha ko sa mga lalagyan nila.
“Babalik na tayo sa classroom, Jobelle?”
Nakalimutan kong nandito pa pala ang Phoenix na ito.
“Of course, ten minutes before the first bell, Phoenix. Kung hindi ka papasok sa first subject, cutting ka!” sabi ko sa kanya habang inaayos ang aking gamit. Sinukbit ko na ang bag ko at lumakad na palabas sa library na ito.
“Wala sa isipan kong mag—cutting sa second day, Jobelle!”
“Ang taas ng energy mo, ano?” tanong ko sa kanya habang pabalik sa classroom namin.
“Of course, morning pa lang! Ten in the morning!” Sobrang taas talaga ng kanyang energy niya.
“Thatʼs good for you, Phoenix.” Pumasok na ako sa classroom namin, pero agad akong napahinto nang makita ang tingin ng mga classmate namin.
“Yes! Nag—ga—gatas ako, para tumibay ang aking buto, gusto kong mag—try out ng basketball dito— Wooh, muntik na kitang mabangga! Bakit ka humihinto nang basta—basta, Jobelle?”
“Jobelle?”
“Eh? Ang dami na pala nila sa classroom—”
“Manahimik ka! Pinapalala mo lang ang nangyayari ngayon!” Pinatahimik ko siya at pinagbantaan.
“Bakit kayo magkasamang dalawa?”
“Kailan pa naging Jobelle ang pagtawag niya sa iyo, Elle?”
“Anong mayroʼn sa inyong dalawa?”
sunod—sunod na tanong nila sa akin.
Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa upuan ko.
“Anong mayroʼn sa inyong dalawa?”
Naningkit ang mga mata ko sa tanong ni Nikki. “Anong mayroʼn sa aming dalawa? Wala!” mabilis na sagot ko sa kanilang dalawa ni Cristy.
“Bakit Jobelle ang tawag niya sa iyo, ha? Ayaw mong tinatawag kang Jobelle, Elle!”
Hindi ako nagsalita at naupo lamang ako rito sa silya ko, kapag nagsalita ako lalo lang lalala.
“Nikki, dine—deadma na niya tayo! Wala tayong mapapala kay Elle, hindi magsasalita ang isang iyan.
Buti alam ni Cristy na mananahimik lang ako buong hapon, bahala sila dumakdak dʼyan. Hindi ko sila papansinin.
“Phoenix! Anong nangyari ng dalawang oras na magkasama kayo ni Elle? Bakit Jobelle ang tawag ko sa kanya?”
Isa rin itong si Zon, napaka—tsismoso.
“Oo nga, Phoenix!”
“Sabihin mo sa amin!”
“Ililibot ka lang dapat ni Elle, kaya bakit may nangyayaring hindi namin alam!”
Sumasakit na ang tenga ko sa kanilang lahat. “Gusto ko ring malaman! Anong mayroʼn?” Nangunot ang noo ko nang makita ang Vice—President naming si Harold. “What? Gusto kong malaman. Ayaw mo kayang tinatawag na Jobelle!” Ningisihan pa niya ako.
Tumingin ako sa likod at tinignan si Phoenix. “H—Hoy, Elle, huwag mong takutin si Phoenix! Hindi magsasabi ng totoo ang isang ito!” Tinuro pa ako ni Zon, at sumang—ayon silang lahat.
I rolled my eyes to them. “Bahala kayo sa buhay niyo!” sagot ko sa kanila.
“Hindi ba siya pʼwedeng tawaging Jobelle? Name naman niya iyon!” Naririnig ko na ang boses ni Phoenix.
“Brad, alam namin ang totoong pangalan niya, pero ayaw niyang tinatawag siyang Jobelle! Ang bantot—” Pinaningkitan ko ng mga mata kk si Edward. “I mean, hindi maganda sa pang—amoy ang pangalan niyang Jobelle. Half boy and half girl ang pangalan niya!” Nilihis ko na ang tingin sa kanya, nakita kong napahawak siya sa kanyang dibdib.
“Seryoso ba kayo? Maganda naman ang pangalan niyang Jobelle, ha? Unique nga, kaysa naman sa Elle na common.”
Napahinto ako sa pagsusulat nang marinig ko ang sagot niyang iyon. “Brad, ikaw lang nagsabi niyan! Lahat kami sinasabing— Elle ang tawag namin sa kanya, maging sina Nikki and Cristy!” Napaka—OA talaga nitong si Edward.
“Tinatawag din naman ako nina Cristy and Nikki na Jobelle, Edward. Kaya huwag kang gumawa ng kʼwento dʼyan!” iritang sabi ko sa kanila. “Kayo naman bumalik na kayo sa mga upuan niya. Ang init sa paligid, siksikan kayo rito sa last row!” Tinignan ko sila isa—isa.
“Makabalik na nga sa pʼwesto.”
“Nagagalit na si Elle!”
“KJ talaga kahit kailan sa Elle!”
Trip na trip talaga nila akong inisin.
“Hoy, ikaw naman, Phoenix! Huwag mo na nga akong tawaging Jobelle! Nagiging OA ang mga classmate natin!”
Nakita ko ang pag—iling niya sa akin. “Ayoko! Tatawagin pa rin kitang Jobelle. Gusto ko ang name mo, unique. Jobelle has a meaning of 'God is gracious.' and in French name that means joy or rejoicing.” Napatigil ako sa kanyang sinabi. “Kaya dapat huwag mong ikahiya ang name mo, Jobelle. Maganda ang name mo, kasing ganda mo,” nakangiting sabi niya sa akin.
“Ehem! Ehem! May first subject na tayo, tumunog na ang bell. Mamaya ka na pumorma nang matiwasay, Phoenix!” malakas na sabi ni Zon.
Napabalik ako sa pʼwesto ko at tumingin sa black board. Bakit parang nag—iinit yata ang magkabilang pisngi ko? Alam ko naman ang meaning ng name ko. Iyon ang pinangalan sa akin dahil biyaya ako kina Mama at Papa.
Kaya huwag tayong magulat sa sinabi niya, Elle.
“Elle, anong say mo kay Phoenix, ha?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Nikki, pauwi na muli kami at buong araw ay hindi ko pinansin si Phoenix kahit panay ang kulit sa akin.
“Anong say ko? Wala,” mabilis na sagot ko sa kanya.
“Wala raw, Cristy, oh! Pero, panay iwas kanina kay Phoenix!”
“Hindi ako umiiwas, ha! Kanino ako iiwas? May dapat ba akong iwasan?” takang tanong ko sa kanila.
“Wala daw dapat siyang iwasan, Nikki, pero deadma kanina kay Phoenix kapag tinatanong siya. Panay basa kahit hindi naman pumapasok sa isipan niya iyong binabasa niya kanina... Naku, huwag kami, Elle. Kilala ka namin simula nang maging magkakaibigan tayo!”
“May crush ka kay Phoenix, ano? Dahil sa sinabi niya kanina about sa name mo?”
Napatigil ako sa paglalakad. “Wala! Saka two days pa lang natin siya nakikilala, Nikki and Cristy. Kaya bakit ako magkakagusto sa kanya? Ano iyon pabebe teens lang? No way!” malakas na sabi ko sa kanila.
“Possible na ma—in love ka sa kanya, Elle. Ganoʼn ang type mo sa isang lalaki, tapos matalino pa. Perfect match kayong dalawa! Best love team kayo kapag nagkataon!”
Napailing ako sa sinabi ni Nikki. “Puro love team ang nasa isip mo! Panay nood mo kasi ng mga teleserye at movie! Tumigil nga kayo!”
“Jobelle! God of gracious and joy or rejoicing. Nice name nga naman, Nikki! Kaya for now, Jobelle na rin ang itata—”
“Stop! Huwag niyo na akong inisin. Elle na lang, ang haba ng name ko!”
“Tignan mo Cristy! Elle na lang sa atin kasi mahaba ang Jobelle, pero kay Phoenix ay sumang—ayon siya.”
“Nakaka—hurt! Tayo ang best friends niya!”
“Hey, huwag na kayong dumagdag. Makulit si Phoenix kaya pumayag ako sa Jobelle na itawag niya sa akin... Kanina sa library pinagalitan ako ng librarian dahil sumigaw ako, at kasalanan iyon ni Phoenix. Kaya para manahimik siya hinayaan ko siyang tawagin ako ng ganoʼn.” paliwanag ko sa kanila.
“Hindi pa rin kami kumbisido. Pʼwede mo namang sabihing manahimik si Phoenix, hindi ka kaya natatalo sa ganoʼng bagay, Elle. Nagpatalo ka talaga!”
Naiinis na ako.
“Isipin niyo na kung ano ang gusto niyo, Nikki and Cristy! Pero, wala akong gusto kay Phoenix!” suko na sabi ko sa kanila.
“Wala raw gusto...”
Magkakagusto ka rin sa kanya.”
Hindi ko alam kung best friends ko ba sila, or mas kumakampi na sila kay Phoenix.
Bwisit na lalaking iyon, pinapa—ingay niya ang tahimik kong mundo.