TULALA akong napatingin sa kawalan habang narinig ko ang sinabi ng taong nasa likod ng kabilang linya. “A—anong sinabi niyo? M—magulang ko? Patay na?” takang tanong ko sa kanya. Napatingin sa akin si Edward. Bigla na lamang muli tumulo ang aking luha na parang gripo, sunod-sunod iyon, ayaw magpapigil. “N—no... M—mali lamang kayo ng sinabi... K—kakausap ko lang si Mama ko kaninang 9:45 ng umaga! Okay lang sila... Nasa bangko iyong Papa ko kasi nag—deposit siya ng pera sa mga pangalan namin. Kaya... Mali kayo!” malakas na sabi ko at binaba ang phone ko. Napansin ko ang pagtingin sa akin ng mga kaklase ko. Nakita ko ang pagtingin sa akin ni Edward kaya may pinindot siya sa phone ko. “Ms. Borja, nakumpirma po ng mga taong nakaligtas sa boutique shop niyo ang krimen. Namatay po sina Mr. and

