Laurice' POV Iniwan na namin iyong mga damit sa bahay ni Fern, saka na kami umuwi ng bahay pagkatapos naming tumambay ng ilang oras. Pagdating ko sa bahay ay kaagad na akong nagbihis, binuksan ko ang mga bintana para mapasok ang hangin, napasulyap pa ako sa bahay ni Cedric Ryui, at kahit nakabukas na rin ang bintana nito ay hindi ko ito nakita. Halos palubog na rin ang araw. Naghanda akong magluto para sa hapunan ko, nang maalala ko ang mga kaganapan sa ilang araw kong nalipat rito. Hindi ko inasahan ang biglang pagbabago ng buhay ko, ang akala ko lang ay magtuturo lang ako sa akademya ng mga hindi ordinaryong estudyante. Pero may natuklasan pa ako tungkol saakin. Napahinga ako ng malalim saka napatulala sa aking niluluto. Kung normal akong tao, hindi siguro ako si Laurice, k

