Cedric was still trying to stop Satan from getting in the way of Zentis. Habang si Tereese naman ay nanatiling nakatayo, ilang minute ang lumipas bago tuluyang naglaho ang malaking apoy na dulot niya, tagumpay niyang napabagsak si Ava na walang buhay at pawing natustang bumagsak sa lupa. Tinapunan ito ng tingin ni Tereese ngunit ni hindi siya makaramdam ng awa rito. Kaagad naman niyang nilingon si Cedric na patuloy pa rin sa pagpigil kay Satan. “Tereese. Don’t mind us here. Go and tend to the people.” Sambit bigla ni Cedric na mukhang naramdaman ang pagsulyap niya rito. Napatango si Tereese saka muna sinulyapan si Zentis na nasa may mataas pa ring bahagi. She trust these two more than anyone, they can do it. Muling tinapunan ng tingin ni Tereese ang paligid, hindi niya maiwsang manlumo

