(So since this story is now ending, the fight is over, let’s now give Tereese the POV.) Tereese’ POV “Nasaan si Cedric?” Tanong ko kay Zentis na nanantiling nasa tabi ng kama ko, tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa, ni wala itong sugat o galos na natamo, napatingin rin ako sa aking katawan Napakagaan ng pakiramdam ko, wala rin akong nakikitang sugat ni galos, hindi pa rin ako makapaniwala. Natapos na ba talaga ang lahat? May labanan ba talagang naganap? Kapag tintingnan ko ang maaliwalas na mukha ni Zentis, parang nakakapagduda. Ni walang bahid ng pagod o mantsa ng labanan sa katawan o mukha nito, ngunit napansin ko ang biglang pag-iiba ng ekspresyon sa mukha nito habang nakatingin saakin. Mababakasan na ngayon ng lungkot ang mga mata nito kaya’t kaagad akong napatigil at napatit

