Laurice' POV Pagdating namin sa entrance ng malawak na hall kung saan gaganapin ang ball, ay bumaba na kami nina Shaina at Fern. Inalalayan naman kami ni Fern sa pagbaba, at nakita kong may valet rin na hinire, ibinigay ni Fern ang susi ng kotse niya sa valet. Inilibot ko ang tingin sa paligid, ang dami nang tao ang nagkalat sa labas, at sunod-sunod rin ang pagdating ng mga sasakyan lulan ang mga estudyante at mga professors. "Woah... is that Professor Andrias?" Kaagad akong nakaramdam ng pagkailang nang maramdaman ko ang titig ng ilang mga tao, nahihiyang tiningnan ko si Shaina, ngumiti lang siya saakin. "Don't be shy Laurice, a lot of people are adoring you, look." Kumbinsi ni Shaina saakin, napahinga ako ng malalim. "Hindi kasi ako sanay," Mahinang sagot ko sakaniya. "Chief Li

