Lina
"Bakit naman pati ikaw, hindi tumawag sa akin?" tanong ni Ninong kay Kuya Darell.
"Wala rin akong load, Tito," sagot naman niya habang kumakamot sa ulo niya. Inilabas na niya ang mga pinamili namin mula sa backseat ng kotse niya.
"Ang gara-gara ng kotse mo, wala kang load?"
"Nagtitipid ako," nakangisi niyang sagot.
Napahinto naman ako sa sinabi niya. Nagtitipid? Eh, ang dami niyang pinamili sa akin kanina na mga damit. Gumastos pa siya sa paglalaro at kumain pa kami sa mamahaling restaurant.
"Tsk." Ramdam ko pa rin ang inis kay Ninong. Pinagtulungan na nilang buhatin ni Kuya Darell papasok sa loob ang mga pinamili namin.
Binitbit ko naman ang paper bag at sumunod na rin sa kanila.
"I just saw Lina on the road earlier, walking alone out of the subdivision. Ang sabi niya ay pupunta daw siya sa palengke. Naisipan ko na lang siyang samahan sa mall, kaysa sa palengke. Marurumihan lang siya do'n. Siksikan pa do'n at malansa."
Dinala nila sa kusina ang mga pinamili namin. Ibinaba ko naman muna sa sofa ang paper bag. Mamaya ko na lang 'yan iaakyat sa taas. Bibilangin ko kung magkano ang natatabi kong ipon upang mabayaran si Kuya Darell para dyan.
Nakakahiya naman sa kanya. Nagtitipid pala siya.
Sumunod na rin ako sa kanila sa kusina.
"I have something to say to you, Tito... I want to court Lina."
Bigla akong napahinto sa pinto nang maaktuhan ko ang sinabing 'yon ni Kuya Darell kay Ninong. Kitang-kita ko rin kung paano natigilan si Ninong at napatitig sa kanya. "What?"
Lumingon din siya sa akin nang may pagtatanong sa mga mata.
"Pwede ba, Tito? I'm serious about Lina. Kung mag-aaral siya, susuportahan ko rin siya." Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ni Kuya Darell habang nakatitig kay Ninong.
Hindi naman kaagad nakasagot si Ninong. Bakas ang gulat sa anyo niya.
"Eh, K-Kuya Darell... P-Pinag-usapan na natin 'to, 'di ba? H-Hindi pa ako magpapaligaw." Lumapit na rin ako sa kanila.
"Hindi naman ibig sabihin na liligawan na kita o kung sasagutin mo kaagad ako ay magpapakasal na kaagad tayo. You still have freedom with me. I will not stop you from doing whatever you want."
"H-Hindi naman 'yon ang ibig kong sabihin."
"She's still too young, Darell," sagot naman ni Ninong sa kanya.
"She will be 19 next month, Tito, and she is now of legal age." Muling bumaling sa akin si Kuya Darell. "Hindi rin naman kita pipilitin na sagutin kaagad ako. Basta hayaan mo lang ako na maging malapit sa iyo at iparamdam ang feelings ko para sa iyo."
Hindi ko na malaman pa ang sasabihin sa kanya. Hindi na rin nakapagsalita pa si Ninong.
"I'm leaving. Bye, Tito."
"Thank you for helping her earlier," sagot naman ni Ninong sa kanya.
"Not a problem, Tito. Bye, ate!" nakangiting paalam na rin niya sa akin. Marahan pa niyang pinisil ang pisngi ko bago siya tumalikod at tuluyang lumabas ng kusina. At nakita 'yon ni Ninong.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, ganun din si Ninong. Namayani ang nakabibinging katahimikan sa buong kusina. Ngunit nakikita ko ang paggalaw ng panga niya at pagkuyom ng mga kamao niya.
"N-Ninong, hindi naman po ako pumayag sa gusto niya."
Hindi siya sumagot. Naglakad siya patungo sa pinto at sumilip sa labas. Nilapitan ko naman ang mga supot ng groceries. Isa-isa ko nang inilabas ang mga laman nito.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng malalim ni Ninong. Nilingon ko siya, na ngayo'y naglalakad na palapit sa akin.
Sumandal siya sa gilid ng mesa at tumulala sa sahig.
"I thought you left me because of our conversation this morning," aniya sa tabi ko nang hindi ako nililingon.
"H-Hindi po, Ninong. Wala po sa isip ko 'yan."
Nilingon niya naman ako at tumitig sa akin. Nakikita ko na naman sa kanya ngayon ang bigat na dinadala niya.
"Do you like Darell?"
"Po?" Napahinto naman ako sa tanong niya. "A-Anong pong klaseng tanong 'yan, Ninong?"
"You're still quite young... Bagay kayong dalawa..."
"Ninong--"
"Hindi kita pipilitin na pumasok sa buhay ko. Hindi kita pipilitin na tuparin ang pangarap kong magka-anak. Hindi kita ikukulong sa akin..."
"N-Ninong..." Biglang nangilid ang mga luha sa aking mga mata habang nakatitig sa kanya.
"You can still choose the man you want. Sa tingin ko ay masisira lang ang buhay mo sa akin."
"N-Ninong..." Tuluyan nang pumatak ang mga luha sa aking pisngi.
Hinawakan naman niya ang pisngi ko at marahang pinunasan ang mga luha ko. "Pero hindi ibig sabihin niyon ay pinaaalis na kita dito. Dito ka pa rin sa akin mananatili. Gusto pa rin kitang tulungan na makapag-aral at makatapos. I will not break the pledges I made to your father... Don't worry, it's fine with me if you accept Darell into your life. And don't worry about me either. I can take care of myself."
Binitawan na niya ako at lumabas na ng kusina.
Para namang pinipilipit ang puso ko sa mga sandaling ito. Bakit pakiramdam ko ay ipinamimigay ako ni Ninong? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Ayoko naman talagang tanggapin ang panliligaw ni Kuya Darell. At willing talaga akong bigyan siya ng anak.
Pinunasan ko ang mga basa kong pisngi at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng mga groceries. Inilagay ko sila sa mga tama nilang kalagyan.
Nang matapos ay sinimulan ko naman nang hugasan ang mga isda at karne sa lababo. Nag-umpisa na rin akong magluto ng ulam namin ngayong gabi. Magsi-sinigang na lamang ako ng bangus para may sabaw.
Nagsaing na rin ako.
Isang oras lang ang iginugol ko sa pagluluto bago ako natapos. Inihayin ko na rin ang mga ito sa mesa. Nang matapos ay lumabas na ako ng dining room at hinanap si Ninong sa buong kabahayan.
Hindi ko siya nakita dito sa ground floor kaya tinungo ko na ang second floor.
"Ninong?" Pagdating ko sa taas ay kaagad nahagip ng mga mata ko ang kinaroroonan niya. Nasa bar counter na naman siya at nag-iinom ng alak!
Maglalasing talaga siya. Parehas na parehas sila ni Papa.
"Ninong!" Kaagad ko siyang pinuntahan. "Nag-iinom ka na naman, eh."
Tumunghay siya sa akin. Pinasok ko naman siya sa loob ng bar counter.
"Kakain na po tayo. Hindi ka pa naghahapunan, nag-aalak ka na naman."
"Mauna ka nang kumain."
"Sabay na po tayo. Tama na 'yang alak na 'yan." Dinampot ko ang takip ng bote at mabilis itong tinakpan.
"Lina..."
"Tama na po 'yan, Ninong. Malalasing ka na naman, tapos mahihirapan ka na naman pumunta sa kwarto mo." Kaagad kong itinabi ang bote ng alak sa malayo nang tinangka niya itong bawiin sa akin.
"Ako o ikaw ang mahihirapan?" Nababasa ko ang ngiti sa mga labi niya. Namumungay na kaagad ang mga mata niya. Siguro ay nakarami na kaagad siya nang nainom sa loob ng isang oras.
"Pati ako kasi mabigat kayo, eh," nakanguso kong sagot.
Tuluyan naman na siyang natawa. "You can leave me here. Okay lang naman sa akin kahit dito ako matulog."
"Pero magkakasakit kayo dahil inuuna niyo ang pag-iinom kaysa kumain ng kanin. Puro alcohol na 'yang bituka niyo. Magninipis na 'yang mga 'yan."
"Wala namang iiyak kahit mawala na ako sa mundong 'to."
"Iiyak ako, Ninong," kaagad kong sagot sa kanya kasabay nang paghikbi ko at pagluha. "Maiiwan na naman akong mag-isa. Nandito pa ako. Nandito pa ang mga kapatid niyo at mga pamangkin niyo. Marami pang nagmamahal sa inyo."
"Iiwan ko ang lahat ng 'to sa 'yo."
"Ayoko po nito. Kayo ang kailangan ko." Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit at umiyak sa dibdib niya. Muli ko na namang naalala si Papa, at naalala ko rin siya sa kanya. "Nag-iisa na lang kayo sa buhay ko, Ninong. Huwag niyo naman po akong iiwan tulad ni Papa. Marami pang nagmamahal sa inyo. Pero sa akin, kayo na lang ang natitira. Hindi ko na po alam ang gagawin ko kung mag-isa na lang ako. Mawawalan na rin ako ng ganang mabuhay."
"I'm sorry." Naramdaman ko din naman ang pagyakap niya sa akin at paghalik niya sa ulo ko. "Stop crying. Hindi ko naman sinabi na mamamatay na ako ngayon na kaagad. Hahanap muna tayo nang makakasama mo."
Bigla akong napatingala sa kanya dahil sa sinabi niya. "M-Makakasama?"
"Yeah." Yumuko din siya sa akin at nagtagpo ang aming mga mata.
"A-Ayoko ng iba." Huli ko na na-realize kung gaano na pala kalapit ang aming mga mukha sa isa't isa.
Napatitig ako sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. Tumatama na sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Nalalanghap ko na mula dito ang pinaghalong menthol at amoy ng alak.
Muli ko na namang naalala kung paano ko natikman ang mga 'yan kahapon lang. Napansin kong nakatitig na rin siya sa mga labi ko, at nakikita ko ang mabilis na paggalaw ng Adam's apple niya sa leeg.
Tumaas na rin ang isa niyang kamay at marahang humaplos ang thumb finger niya sa mga labi ko. Nararamdaman kong parang kinakapos na siya ngayon ng hangin. Kakaibang init naman ang nararamdaman ko sa mga daliri niyang 'yon. Parang bilyon-bilyong kuryente ang mabibilis na gumagapang ngayon sa mga ugat ko mula doon.
Hindi naman ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nanatili lamang akong nakatitig sa nakaawang niyang mga labi na halos ga-hibla na lamang ang layo mula sa akin. Nagbabanggaan na rin ang tungki ng aming mga ilong sa isa't isa.
"Lina..." bulong niya tila nahihirapan na.
"N-Ninong..."
Ngunit nakita ko ang mariing pagpikit ng kanyang mga mata, at kaagad ding binitawan ang mga labi ko. Kusang nahulog ang kanyang kamay sa ibaba.
"I'm sorry. This is wrong... Come on. Let's have dinner." Bumaba na siya mula sa mataas na silya. Napalayo na rin naman ako mula sa kanya.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi pa rin ma-proseso ng utak ko ang mga nangyayari sa aming dalawa.
"Patawarin mo si Ninong. Magulo ang utak ko ngayon, at ayokong isali ka dito."
"Naiintindihan naman po kita, Ninong. Pero nandito lang ako kung kailangan mo 'ko. Kahit anong tulong ang hingin mo sa akin, gagawin ko."
Napatitig naman siya sa akin at ngumiti ng bahagya.
"Thank you. Halika na sa kusina. Ano bang niluto mong ulam? Masarap ba 'yan?"
"Sinigang na bangus po." Dinampot ko na sa counter ang ginamit niyang baso.
"That's my favorite. Let's go. Nagugutom na rin ako." Hinayaan niya akong maunang lumabas ng bar counter bago siya sumunod sa akin.
"Baka lasing ka na, Ninong." Kaagad na rin kaming nagtungo sa hagdan.
"Nakaka-limang shot pa lang naman ako."
"Marami na 'yon dahil hard 'yon. Para kang si Papa, matakaw sa alak."
Narinig ko ang pagtawa niya mula sa likod ko. "Pampatulog lang naman 'yon."
"Pwede kong masahehin ang likod at ulo mo, Ninong, para makatulog ka. Ganun ang ginagawa ko palagi kay Papa noon."
"Talaga? Magaling ka bang magmasahe?"
"Opo. Gustong-gusto ni Papa kapag hinihilot ko ang ulo niya at likod niya. Palagi daw po kasing sumasakit ang ulo niya, pati na rin likod niya. Malamang, dahil na rin sa mabibigat niyang trabaho. Maghapon siya sa tindahan ng lechon manok. Madali siyang nakakatulog kapag ginagawa ko 'yon sa kanya."
"Sige nga, masubukan."
"Sige po, Ninong! Pagkatapos nating kumain!"
Tuluyan na kaming nakarating sa ibaba at dumiretso na sa dining room. Masaya pa rin kaming nagsalo sa hapunan.
"Anong mga ginawa niyo kanina ni Darell sa mall?"
"Una, binilhan niya po ako ng sampung pirasong mga damit. Ayaw ko naman, Ninong, pero mapilit talaga siya. Napakakulit niya."
"Where are the clothes?"
"Nandoon po sa paper bag, sa sofa."
"Ano pang mga ginawa niyo?" Nagpatuloy siyang muli sa pagkain niya.
"Ipinasyal niya po ako sa buong mall. Tapos naglaro kami sa timezone. Natalo ko siya sa basketball! Naka-13 points lang siya. Ako perfect!" proud kong sabi sa kanya.
Napangiti din naman siya. "Ows? Are you good at playing basketball?"
"Si Papa po ang nagturo sa akin niyon, bata pa lang ako."
Napatango-tango siya. "Hmm, nice."
"Tapos namaril din kami ng zombie at nag-car racing. Kumain din kami sa mamahaling restaurant, Ninong. Tapos narinig ko sinabi niya kanina sa inyo, nagtitipid pala siya pero gumastos siya ng malaki kanina. Babayaran ko na lang 'yong mga damit na binili niya sa akin. Bibilangin ko 'yong ipon ko--"
"Bibigyan na lang kita nang pambayad sa kanya kung gusto mo siyang bayaran. Huwag mo nang galawin ang ipon mo."
"Pero nakakahiya na po--"
"No. Lahat ng kailangan mo ay sagot ko. Sabihin mo lang sa akin. Bibigyan din kita ng allowance mo monthly since napapagod ka sa kalilinis dito sa bahay at pagsisilbi sa akin. Magha-hire na rin ako ulit ng mga bagong maid para hindi ka na mahirapan pa."
"Baka hindi rin sila magtagal dito, Ninong, kapag bumalik nang muli si Tita Gilda."
"Nakausap ko na ang abogado ko kanina. Nag-file na ako ng annulment naming dalawa."
Napahinto ako sa pagkain at napatitig sa kanya. "T-Talaga po? Itutuloy niyo na po talaga, Ninong?"
"Yeah. Para sa ikatatahimik na rin naming dalawa. I'll just start a new life without her."
"Hindi ko naman kayo iiwan, Ninong. Tutulungan ko po kayo para makalimutan niyo kaagad siya."
Siya naman ang napatitig sa akin at bahagyang ngumiti.
Hindi na siya sumagot pa at muli na lamang kaming nagpatuloy sa pagkain.