Lina "K-Kasal kayong dalawa?" Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Para nang magigiba ang dibdib ko sa mga sandaling ito dahil sa lakas ng kabog nito. Binalingan naman niya si Desmond. "Anong ginawa mo sa kaibigan ko?" Lumarawan bigla ang galit sa kanyang mga mata. "Ishie--" Hinawakan ko siya sa braso niya, ngunit ganun na lamang ang pagnganga ko nang bigla na lamang niyang sinampal sa pisngi si Desmond! "Ishie! Tama na!" Kaagad ko siyang hinila at hinarangan siya sa harapan ng asawa ko. Mabilis namang hinawakan ni Ivo ang kapatid niya ngunit matalim na rin ang mga titig niya kay Desmond. Hinawakan din ako ni Desmond sa baywang ko. "Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Pinilit mo siya? Pinagsamantalahan mo siya?" Ramdam ko ang matinding pagtitimpi niya sa sarili niya na hindi sumigaw. Ngu