Lina MATAPOS naming mag-almusal sa bahay ng mga Delavega ay nagpaalam na rin sa kanila si Ninong. Pinahiram kami ni Tito Harold ng kotse kaya naman ngayon ay bumibiyahe at nagsisimula na kaming maglibot sa buong siyudad. Napalingon ako kay Ninong nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. Masuyo niya itong pinaghahalikan. "Kanina ka pa tahimik. What are you thinking?" tanong niya. "Wala po." Lumingon ako sa bintana sa tabi ko upang iwasan siya. "Iniisip mo ba 'yong mga sinabi ni Tita Sharie kanina?" "Hindi po." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim. "Lina... I'm not making you a rebound or just a cover-up... You mean the world to me, and I hold you in high regard." Ibinaba niya ang mga kamay namin. Ikinalas ko naman ang kamay ko mula sa kanya