Lina NAPANGITI ako sa magandang atmosphere na sumalubong sa akin kinaumagahan paglabas ko sa balcony nitong second floor. Alas otso na ng umaga dito sa Milan Italy. Moderno din ang mga bahay dito sa lugar nila, na parang katulad lang din ng mga naglalakihang mga bahay ng mga mayayaman sa Pilipinas. Mayroon din kayang bahay ng mga mahihirap dito? May mga naghihirap din kaya sa bansa nilang ito? Kakaiba ang mga punongkahoy nila dito. Hindi ko sila mga kilala, pero magaganda. Ang klima dito ay parang klima lamang din sa Pilipinas. May kainitan ngayong buwan na ito. Tumataas na nga si haring araw sa kalangitan. Nilingon ko si Ninong sa loob ng silid namin. Nakadapa pa rin siya sa ibabaw ng kama. Tanging kumot lang ang nagtatakip ngayon sa katawan niya dahil hindi na niya nagawa pang magda