CHAPTER 59: It will be Okay.

1530 Words

Lina NAKARATING ako sa pinto ng silid ni Darell Jr. Saradong-sarado ito. Nagkaroon bigla ako nang alinlangan sa dibdib. Baka kasi hindi niya ako pansinin o baka bigla na lamang niya akong ipagtabuyan. Pero kailangan ko itong gawin. Apat na taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay ganito pa rin siya sa akin. Gusto ko nang maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa. Itinaas ko na ang kamay ko at marahang kumatok sa pinto ng silid niya. "D-Darell?" mahina kong tawag sa kanya. Nakiramdam ako sa loob, ngunit wala akong marinig na kahit anong kaluskos. Masyadong tahimik. Muli ko itong kinatok nang medyo malakas na. "D-Darell? Si Lina 'to... Ahm, pwede ba tayong mag-usap?" Naghintay akong muli ng ilang sandali. "K-Kahit sandali lang." Ngunit wala pa rin akong kilos na nararamdaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD