"It's her fault! Hindi ko alam kung nasabi sayo ni Rhian ang tungkol sa aksidente pero... dahil sa pagiging reckless niya, namatay ang baby ko! Pati ang ama namin na kasama sa sasakyan ay namatay din. Tapos no'n... na-comatose pa siya ng halos limang taon. Paggising niya hindi na niya matandaan ang kagagahang niyang ginawa. And what's worst... ako lahat ang sumalo sa pagiging walang kwenta niya sa loob ng limang taon na 'yon," mariing sabi ni Via. "F-Five years? I-Imposible," tila naguguluhang sabi ni Lester at may inisip ito. "P-Pero dalawang taon pa lang ang nakakalipas no'ng..." "No'ng ano!?" usisa ni Via. "W-Wala. Sigurado ka ba, limang tanong na-comatose si Rhian?" paniniguro ng lalaki. "Yes. Ako ang nagbabayad ng bills niya sa ospital, kaya nga ako napilitang mag-ibang bansa. Ew

