Rhian's POV Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Itong dress na binili sa akin ni Zieke ang sinuot ko kasi hindi ko pa ito nasusuot. Simple lang naman ito pero ang cute-cute ng pagka-pastel pink niya at hanggang itaas lang ito ng tuhod ko. Itinali ko lang ang buhok ko paitaas at nag-ayos lang ng kaunti tapos ay sinukbit ko na sa aking balikat ang aking bag at lumabas na ng kwarto. Sandali pa akong nagpalingun-lingon sa paligid. Ang tamlay pala dito kapag wala ang bugnuting 'yon. Hmnn... pero bigla kong naalala. Kagabi... ilang beses kong nakita ang ngiti niya. Ilang beses ko din narinig ang pagtawa niya. Kaya naman pala niya ang ganoon... pero bakit parang mas gusto niyang maging malungkot at mag-isa? Bakit nga ba? ...deeper, babe... deeper, ugh fvck... Nahhh!!! Napapiki

