"Ate! Nakabalik ka na pala!?" "Oo, sinabi ko naman sa 'yo, dalawang linggo lang kami doon, hindi ba?" ngiti ng nakakatandang kapatid. "Pumunta lang talaga kami doon upang malaman kaagad ang gender ni baby." "Mukhang na-missed mo kami ah?" malawak na ngiti ng nang-iinis na nobyo ng kapatid. Umirap ang dalaga sa kaniya at pinanaliman ng mga mata. "Dapat iniwan mo na ang asungot na 'yan sa Japan! Hmp!" "Ano ka ba, e di kawawa naman ang baby Bella ko," sabi ng ate na humipo pa sa kaniyang sinapupunan. "Buntis ka ba talaga? Tatlong buwan na 'yan hindi ba? Pero hindi pa rin halata ah?" ngiti ng ama na tumayo at humigop ng kape. "Oo nga po papa, mukhang maliit lang ako magbuntis," tugon niya. "Ganiyan din ang mama mo noon tapos nagulat na lang ako bigla na lang lumaki ang tiyan niya na aka

