"ANONG WALA? ANONG HINDI NA NAMAN BUMALIK!? TINATARANTADO NIYO BA TALAGA AKO, HA!?" nanggagalaiting tanong ni Lester sa isa sa kaniyang mga tauhan na kaniyang kausap sa telepono. "AKALA KO BA NAKITA NIYO NA SIYA!? ANONG NANGYARI!?" "Boss, hindi ko po talaga alam. Tumawag sa akin si Meynard at sinabing nandoon nga daw po 'yong babae. Tinatanong ko nga po kung kailangan ko ba magpadala ng back up, hindi na daw kasi wala naman daw kasama, kaya lang boss no'ng tawagan ko ulit, hindi na makontak eh," sagot ng tauhan. "Those idi0ts! WHAT HAPPENED TO THEM?" "Pinuntahan namin sa ospital kung saan nila nasabing nakita ang babae, pero wala talaga boss. Kahit anino nila, wala. Pati mga gwardya ng ospital, wala din daw napansin." "ANG TATANGA NIYO! Iisang babae lang ang pinakukuha ko sa inyo, hind

