"Hello, V-Via!?" ani Lester nang sagutin niya ang tawag ng babaeng ninanasa. "Kamusta?" nakangising pagbati ni Via sa kabilang linya. "Anong kamusta!? Bakit iniwan mo akong mag-isa sa bar!?" inis na sabi ni Lester. "Hindi ba sinabi sa 'yo ng mga waiter? Ilang beses kitang pinilit gisingin, hindi ka nagigising," paliwanag ni Via. "Anyway, I didn't call you para makipag-away. Remember my promise?" "A-Anong pangako!?" "Yung tungkol sa kapatid ko. Hindi ba't napag-usapan natin na kung ibibigay ko siya sa 'yo eh... tutulungan mo ako?" pang-uuyam ng dalaga. "Bakit!? Alam mo na ba kung nasaan siya!?" tanong ni Lester na agad na naging interesado sa usapan. "Sabihin mo muna sa akin kung anong plano niyong gawin sa kapatid ko," nakangisi pa din si Via sa kabilang linya. "Ano ba talaga... ang

