Chapter 10

1444 Words
Kumuha ng bedspace si Arnold at lingguhan ang magiging uwe niya. Mahirap sa kanya ang malayo dahil unang pagkakataon niya na mawalay sa pamilya at mapalayo sa kanilang lugar at malalayo din siya kay Cecille. Pero para sa pangarap niya ay titiisin niya ang lahat ng 'yun. Regular na umuuwe ng weekend si Arnold sa unang buwan ng kanyang pag aaral at nagkakaroon sila ng pagkakataon ni Cecille na magkita at magka-usap. "Kamusta naman ang buhay sa Maynila Arnold?" si Mang Delfin. "Nasasanay na po kahit papano. Saka mas higpit po ng sinturon, ang mahal po ng pagkain du'n. Kaya madalas de-lata na lang po inuulam ko, dalawang beses ko pa naiuulam. "sagot naman ni Arnold. "Naku kaya pagbubutihan mo. Sabi ko nga dito kay Cecille eh kayo lang na mga anak namin ang makakapag-ahon sa 'min sa kahirapan." si Aling Upeng. "Iwan muna natin ang mga bata Upeng ng makapag-kwentuhan  naman yang dalawa." sabi ni Mang Delfin sa asawa. "O siya, ikaw na bahala Cecille. Pagkapehin mo si Arnold, may spanish bread pa yata tayo dyan." si Aling Upeng. Natutuwa si Arnold dahil sa magandang pakikiharap sa kanya ng mga magulang ni Cecille subalit napansin niyang nagbago ang mga ito ilang buwan lang ang lumipas. Lagi nilang sinasabi na may pupuntahan sila ni Cecille sa tuwing dadalaw siya ng sabado o kaya naman ay masama ang pakiramdam ni Cecille at hindi makabangon. Hindi naman niya masaktuhan na si Cecille ang makaharap niya sa pagpunta niya. Nasagot ang mga tanong niya ng minsang dumalaw siya at datnan si Lukas sa bahay nito. "Pasok ka Arnold. Ba't ngayon ka lang yata napasyal? Mukhang sobrang busy mo sa pag aaral." bungad sa kanya ni Cecille. Napansin agad ni Arnold ang pumpon ng bulaklak at mga chocolates sa gilid ng inuupuan ni Cecille. "Hindi naman. Mukhang ikaw ang laging busy." sagot ni Arnold sabay sulyap kay Lukas. "Ehem. Ah, mauna na siguro ko Cecille. Aling upeng Mang Delfin ---" paalam ni Lukas. Mula sa kwarto na dingding lang din na kahoy ang pagitan ay lumabas sila Mang Delfin at Aling Upeng. "O iho, bakit naman nagmamadali ka?" si Aling Upeng. "Lukas, magkape ka muna o kaya bibili muna ko ng de-bote kung gusto mo ng malamig na maiinom." si Mang Delfin. "Cecille, pigilan mo muna si Lukas aba'y hindi pa nag-iinit ang puwet niyan sa upuan. "si Aling Upeng. Hindi kumibo si Cecille sa sinabi ng ina. "Naku 'wag na po kayo mag-abala, saka dadaanan daw po ako ng isang tauhan ni Daddy. Baka padaan na po 'yun. Sa susunod na lang po." magalang na sabi ni Lukas. "Hindi ka na ba talaga papipigil iho?" si Aling Upeng na abot-abot ang istima kay Lukas. "May mga susunod pa naman pong araw. Sige po tuloy na po ako. Sana po nagustuhan n'yo po 'yung mga dala ko." pahabol pa ni Lukas bago ito bumaba ng hagdanan. Patuloy pa din ang habol ng mga magulang ni Cecille kay Lukas at hinatid pa ito hanggang kalsada. Hinintay pa nitong dumaan ang susundo kay Lukas bago bumalik ng bahay. "Magandang hapon po, Mang Delfin, Aling Upeng." bati ni Arnold. Imbes na batiin si Arnold ng mga magulang ni Cecille ay ang anak ang binalingan nito. "Bakit naman Cecille hinayaan mong umalis agad yung anak ni Mayor? Hindi ka na nahiya. Paano kung magsumbong sa Ama niya 'yun? Hindi ka nag-iisip." galit ang tono ni Aling Upeng. "Mag-usap tayo mamaya Cecilia." si Mang Delfin at sabay na bumalik ng kwarto ang mag-asawa na hindi man lang tiningnan si Arnold. Pagkapasok ng kwarto ay nagkatinginan lang si Arnold at Cecille. Seryoso ang mukha ni Arnold, pero nginitian pa din siya ni Cecille. Tapos ay sinenyasan siya na bumaba. Hindi gaanong maintindihan ni Arnold ang isinesenyas ni Cecille kaya lumapit sa kanya ang babae at bumulong. "Sa baba tayo mag usap. Tiyak na nakikinig sila Nanay at Tatay." Pagkabulong ni Cecille ay bumaba na agad si Arnold at sumunod si Cecille. May mga upuan sila na gawa sa kawayan sa ilalim ng punong mangga sa harap ng bahay nila Cecille at duon sila pumwesto. "Nanliligaw ba sa 'yo 'yun?" tanong agad ni Arnold na ang tinutukoy ay si Lukas. "Parang." sagot naman ni Cecille. "Anong parang? May bulaklak na dala saka chocolates. May padala-dala pa ng pasalubong sa magulang mo tapos sasabihin mo parang. Naka-ilang punta na ko dito ayaw ka naman iharap sakin ng mga magulang mo. Masama daw pakiramdam mo, may pupuntahan daw kayo ---"paninita ni Arnold. "Naku, ganun ba? Hindi ko alam. Pasensya ka na sa mga 'yan. Alam mo na, halos sambahin nga nila si Lukas eh." sagot ni Cecille. "Hindi mo pa sinasagot 'yung tanong ko." si Arnold. "Arnold nagseselos ka ba?" si Cecille na nakangiti pa din. "Ano gusto mong maramdaman ko?" si Arnold. Kinuha ni Cecille ang kamay ng nobyo at nagsalita. "Alam mo namang ikaw ang mahal ko. Ikaw kaya first crush ko. Ayan ha, ngayon ko lang sinabi sa "yo 'yan. Pinagbibigyan ko lang sila nanay at tatay. 5aka magtiwala ka naman sa 'kin. Kung mahal mo din ako, magtitiwala ka." paliwanag ni Cecille. "May tiwala ako sa 'yo, 'dun sa mayabang na yun, wala. Cecille, alam mo namang kasama ka sa mga pangarap ko kaya sana wag kang magbabago." seryosong turan ni Arnold. "Ang drama mo naman. Ikaw nga inaalala ko. Tiyak madaming maganda sa maynila, baka ipagpalit mo 'ko sa mga 'yun." si Cecille. "Wala ng pinakamaganda sa "kin kundi ikaw. Hindi nga ako tumitingin sa mga babae dun eh. Saka ikaw pa din nga pinakamaganda," nangingiti ng sabi ni Arnold. "Sabihin mo sa 'kin kung anong oras ka pupunta sa susunod na sabado para magbabantay na ko sa pintuan." sabi ni Cecille. "Ganitong oras naman ako lagi nagpupunta 'di ba. Hindi naman ako pwedeng pumunta ng linggo dahil luluwas na 'ko nu'n. Maaga kasi pasok ko ng lunes." "Oh sige." Nabalitaan ni Arnold sa kanyang ina na kalat na pala sa Brgy Tabuyuc, sa barangay nila Cecille, na kasintahan na nito si Lukas. Ipinagmamalaki ng mga magulang nito ang mga regalong dala ni Lukas sa tuwing dadalawin si Cecille. Maging sa barangay din kung nasaan ang bahay ng mayor ay pinag-uusapan na magkasintahan na ang dalawa. Hindi masyadong nagpaapekto si Arnold sa mga tsismis dahil mas kilala niya si Cecille at mayroon na silang pagkakaunawaan. At upang hindi makasabay sa pagdalaw si Arnold, sinabihan ng mag-asawang Delfin at Upeng na sa linggo magpupunta si Lukas upang makausap niya ng maayos si Cecille at tinutulak pa nila ang anak na yayaing magsimba si Lukas sa bayan. Minsang pinagbigyan ni Cecille ang mga magulang sa hiling ng mga ito, pero dahil madami ang tsismoso at tsismosa kahit sa simbahan, ay kumalat sa buong San Isidro na magkasintahan na ang dalawa. Unang sembreak nila Cecille at Arnold. Naimbitahan sa iba't-ibang flores de mayo si Cecille dahil sa ganda nito pero kailangan na si Lukas ang eskorte dahil sa sobreng ibibigay nito sa mga namumuno ng flores de mayo o kaya ay santacruzan. Maging sa mga paliga ng mga basketball ay nag-uunahan ang bawat team sa pagkuha kay Cecille bilang muse nila. Naiinis man, ay walang magawa si Arnold dahil maganda talaga ang kanyang kasintahan. Naging madalas ang kanilang pagkikita. Kahit papaano ay nakakapasyal na sila sa bayan dahil sa mga naipon ni Arnold na itinatabi nya mula sa kanyang allowance. Subalit sa paglipas pa ng mga buwan ay nag-iiba ang sitwasyon. Garapal ng ipinapakita ng mga magulang ni Cecille na ayaw nila sa kanya para sa kanilang anak. Masakit kay Arnold na bastusin din siya ng harap-harapan ng kapwa niya mahirap. Dahil sa pagkasilaw ng mga magulang ni Cecille sa mga materyal na bagay na ibinibigay sa kanila ni Lukas, hindi nagdadalawang-isip ang mga ito na halos ipagtabuyan si Arnold. Ipinagtapat ni Cecille kay Arnold na pinipilit siya ng kanyang mga magulang na sagutin na si Lukas at talikuran siya, Pero dahil nga mahal ni Cecille si Lukas ay hindi niya binibigyang-pansin ang pakiusap o pamimilit sa kanya ng kanyang mga magulang. Hanggang sa dumating na sila sa ika-apat na antas ng kanilang pag-aaral. Isang taon na lang ang bubunuin ay gagradweyt na si Cecille. Si Arnold naman ay matatapos na sa kanyang pre-medicine course.Naging desperado na si Lukas sa panliligaw nito kay Cecille at kinailangan na niya ang tulong ng kanyang Ama upang makuha nito ang napupusuan, hindi bilang kasintahan, kundi maging asawa na nito. Ayaw na rin ni Lukas magtuloy ng pag-aaral sa FEU na pinapasukan dahil sa dami ng back subjects nito. Gusto niyang mag-negosyo na lang kapag mag-asawa na sila ni Cecille. Tuwang-tuwa naman ang mga magulang ni Cecille ng malaman ang balita. Iniisip ni Aling Upeng na iyon na ang kasagutan para makaahon sila sa kahirapan, Maging si Mang Delfin ay pinapangarap na sarili na niyang sakahan ang kanyang tataniman. Subalit hindi ito hahayaang mangyari ni Cecille dahil si Arnold ang minamahal niya at si Arnold lang magmamay-ari ng puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD