Matapos ang kanilang hapunan ay umakyat na agad si Karl hindi upang matulog kundi para ipagpatuloy ang kanyang pamagmuni-muni sa mga bagay na natuklasan niya. Alam niyang wala namang masasabing close friend ang mommy niya para mapaglabasan nito ng mga problema niya dahil hindi naman ito palalabas ng bahay dahil binawalan ng Daddy niya. Tiyak naman ni Karl na lalong hindi magsasabi ang mommy niya ng mga saloobin nito sa mga asawa din ng pulitika na nakakasalamuha nito. Inunahan na din ni Karl ang sarili na hindi na sabihin sa Mommy niya ang nalaman niyang istorya nito sa mga lolo at lola niya dahil alam niyang hindi naman ito mag o-open sa kanya ng tungkol doon... dahil mahihiya ang mommy niya sa kanya lalo na kapag nalaman niya na hindi pala mahal ng mommy niya ang daddy niya nang pinakasa