"Hello Ate Cecille?" si Doreen nang tumawag ito sa cellphone. "O Doreen!" sagot naman ni Cecille. "Ate nag-file na 'ko ng leave sa trabaho next month. Ilang araw after ng death anniversary ni Kuya start na ng campaign period. Suportahan mo 'ko ha." pakiusap ni Doreen. "Oo naman Doreen. Marami na 'kong mga grupo at samahan na nakausap. Nagkaroon na kami ng mga meetings nitong mga nakakaraan kaya marami ang tutulong." sagot ni Cecille. "Kinakabahan na ko ate." "Kaya natin 'yan. Basta pray lang tayo lagi." "Kamusta ka na nga pala saka si Karl?" "Okay naman kami. Si Karl board exam na para makapagtuloy-tuloy na siya sa medicine. Naku, gusto nga sumama sa kampanyahan sabi ko maiintindihan ka na ng Tita Doreen mo. Unahin n'ya na lang 'kako ang pagre-review." "Naku oo nga ate. Loves na lo