Pag-uwe ng bahay ay saka ibinuhos ni Arnold lahat ng ngitngit n'ya kay Lukas. Pumunta agad siya ng likod bahay nila at pinagsusuntok niya ang mga puno nila ng saging. Hanggang sa natuon ang pagsuntok niya sa isang puno na sa tingin niya ay si Lukas. Mas malakas na suntok ang mga pinawalan niya sa puno na 'yun.
"Napakahayup mo Lukas" sigaw ni Arnold sabay suntok sa gawing itaas ng puno na iniisip niyang mukha ni Lukas.
"Mamatay ka na Lukas." at isa pang suntok na ginamit naman ang kabila niyang kamao.
"Mga salbahe kayo mga Valentin." sunod-sunod na suntok ang ginawa niya sa puno ng saging hanggang sa ito ay bumagsak.
Napaluhod si Arnold at humihingal, nagpahinga lang ito saglit. Kapagdaka'y tumayo ito at pinagsisipa muli ang puno. Nagbalik sa alaala niya ang mga sipang tinamo niya nung dumalo sila ng sayawan ni Cecille.
Naiiyak sa galit si Arnold. Nang makabawi ng lakas ay pinagbalingan pa ang ilang puno na katabi nito.
"Mga hayup kayo, mga hayup kayo." sigaw niya habang patuloy sa pagsuntok sa mga puno.
Halos naibuwal lahat ni Arnold ang mga puno ng saging sa likod bahay nila bago niya ito tuluyang lubayan. Pagpasok niya ng bahay ay kinuha ang sobreng binigay ni Mayor. Binuksan 'yun upang tingnan ang laman. Napakalaking halaga ang nakalagay sa tseke. Sana nga ay kumasya 'yun hanggang sa makatapos siya ng pag-aaral.
Iniisip niyang 'yun na ba ang halaga ni Cecille na ibinayad sa kanya. Kung may iba lang siyang pagpipilian ay hindi niya ito tatanggapin at mas nais pa din niyang makapiling si Cecille.
Ginawa niyang abala ang sarili dahil sa tuwing siya ay walang ginagawa ay hindi nawawala sa isip niya si Cecille at ang eksenang nangyari lang nu'ng umagang 'yun. Naglinis siya ng buong bahay, nagsibak ng kahoy na panggatong at tuluyan na din niyang pinutol ang mga puno ng saging na ibinuwal niya. Nagawa niya lahat ng iyon ngunit kahit isang sandali ay hindi nawala sa isip niya si Cecille. Hindi na niya nakuhang kumain ng pananghalian dahil hindi siya nakaramdam ng gutom kaya't pagkaligo niya ay itinulog na lang niya.
Nagising na lamang si Arnold ng may narinig siyang sunod sunod na katok.
"Tao po.Tao po."
Dagling humangos si Arnold dahil alam niyang si Cecille ang nasa pintuan.
"Naabala ba kita--" biglang naputol ang sasabihin ni Cecille dahil pagkabukas niya ng pinto ay niyakap na agad siya ni Arnold ay kinuyumos ng halik sa labi.
Muling ikinandado ni Arnold ang pintuan nang hindi bumibitiw sa pakikipaghalikan kay Cecille. Isinandal niya si Cecille sa pintuang kasasara lamang niya at duon ay pinagpatuloy pa din nila ang kanilang halikan. Naghahabol man ng hininga ay hindi pa din naghihiwalay ang kanilang mga labi. Hinawakan ni Arnold sa magkabilang pisngi si Cecille at yumakap naman si Cecille sa batok ni Arnold. Mas naging matagal pa ang halikang 'yun na akala mo ay inuubos nila ang tamis na nalalasahan nila sa labi ng isat-isa. Ang pinakapahinga nila ay hihinga lang sumandali na magkadikit pa din ang mga labi.
"Mahal na mahal kita Mahal." usal ni Arnold.
"Mas mahal kita higit pa sa inaakala mo Mahal." sagot na mahina ni Cecille.
Mula sa pagkakasandal sa pintuan ay binuhat ni Arnold si Cecille na animo'y bagong kasal at para silang kalapati na panay ang tukaan habang inilalakad ni Arnold. Dinala si Arnold ng kanyang mga paa sa maliit niyang kwarto na walang kutson. Tanging nakatuping banig lamang ang nandoon at mga unan. Ibinaba ni Arnold saglit si Cecille at inilatag ang banig na nakatupi. Muli niyang binuhat si Cecille kahit na nandu'n na sila sa kwarto at si Arnold mismo ang nagbaba kay Cecille sa banig na higaan nito.
"Handa ka na ba mahal?" malambing na tanong ni Arnold.
"Sa 'yo lang ako mahal. Lagi mong tatandaan." sagot naman ni Cecille.
Pagkasabi ni Cecille nu'n ay muling naghinang ang kanilang mga labi at dahil nadama ng katawan ni Arnold ang kaumbukan ng dibdib ni Cecille ay mas naging mapusok ang mga halik nito. Ang mga halik ni Arnold sa labi ni Cecille ay nangapitbahay sa likod ng tenga ng kasintahan at sa leeg nito. Nais ni Arnold na ubusin ang bango nito at walang itira ni katiting na bango kay Lukas. Punung-puno ng pananabik ang nararamdaman ng dalawang magkasintahan. Nagmamadaling hinubad ni Arnold ang suot niyang sando at sinunod ang blouse ni Cecille. Bahagya namang parang natauhan si Cecille mula sa kanyang paglalakbay sa alapaap.
"Mahal, baka dumating mga magulang mo?" pag-alala ni Cecille.
"Maaga pa. Saka 'wag mong alalahanin 'yun mahal. 'Wag kang mag-isip ng kahit ano mahal. Ako lang ang isipin mo, hmm." buong suyo na salita ni Arnold na sinimulan ulit ang paghalik kay Cecille.
Nawala lahat ang mga pag-aalala ni Cecille dahil sa mga tinuran ni Arnold. Mula sa pagkakababa ay unti-unti na naman siyang inaakyat ni Arnold sa alapaap. Naging mapangahas ang mga halik ni Arnold dahil naglalakbay ito kung saan-saan. Nais niyang saliksikin ang bawat sulok ng katawan ni Cecille hangga't may bango siyang nalalanghap ay desidido siyang hindi ito tigilan. Naging sagabal sa labi ni Arnold ang pantalong suot ni Cecille kaya't sa isang iglap ay nahubad niya 'to. Muli ay sinimsim ni Arnold lahat ng bahagi ng katawan ni Cecille. Wala siyang dapat makaligtaan dahil hindi niya bibigyan o titirhan kahit na kuko si Lukas.
"Sa 'yo lang ako mahal. Angkinin mo buong pagkatao ko." usal ni Cecille na nagpawala ng mahabang ungol habang ginagawaran ni Arnold ng mapupusok na halik ang kanyang p********e. Dahil sa mga ginagawa ni Arnold natuklasan ni Cecille ang ligaya na idinudulot ng lalaking mahal niya na alam niyang hindi niya ito malalasap kaninuman.
Parang may tugtugin sa isip ni Cecille na nagpaalon ng kanyang katawan at tanging pag ungol lamang ang kanyang naisasagot dito. Gamit ang isang kamay ni Arnold ay naibaba niya ang kanyang pang-ibabang suot upang palayain ang sabik na sabik niyang p*********i na nakikiayon sa kanyang nararamdaman. Nais nitong hanapin ang kanlungan ng pagmamahal ni Cecille at lukubin ito sa init ng kanyang kalooban. Muling umakyat si Arnold at hinagilap ang nag aapoy na labi ni Cecille. Para namang uhaw si Cecille, sa oras na nadama niya ang mga labi ni Arnold ay hinigop niya ito. Hindi nagpadaig si Arnold at lumaban ito, naglaro ang kanilang mga labi at sumali na din ang kanilang mga dila. Sadyang uhaw si Arnold at muling binalikan ang mga umbok ng dibdib ni Cecille at para siyang sanggol na gutom, halinhinan niyang pinaikutan ng halik na sinamahan niya ng pagsupsop ang mga korona sa tuktok ng dibdib ni Cecille. Pakiramdam ni Cecille ay mas mataas pa sa alapaap ang kanyang nararating. Nakapikit man ang kanyang mga mata pero parang nakikita niya lahat ng nangyayari. Naramdaman ni Arnold na kailangan na niyang pagbigyan ang kanyang p*********i na kanina pa naghihintay ng kanyang pagkakataon.
Alam ni Arnold na 'yun ang una nilang pagkakataon na magkaniig ni Cecille kaya't ginawa niyang banayad ang ginawang pagkatok sa masikip na pintuan ni Cecille. Hindi niya naringgan ng kahit anung pagtutol si Cecille pero nabanaag niya sa mukha nito ang sakit na nararamdaman. Hinalikan niya ang bawat patak ng luha ni Cecille habang patuloy niyang pinagbibigyan ang kanyang p*********i. Mainit na pagtanggap ang ginawa ni Cecille sa bago niyang bisita. Buong pagmamahal na niyakap 'yun ng kanyang p********e at ng matalos na ni Arnold na unti-unti ng naibsan ang kani-kanina lang na sakit na nararamdaman ni Cecille ay umakma na siyang simulan ang hiling ng kanilang mga ari-arian.
"I love you mahal." usal ni Arnold.
"Salamat Mahal. I love you too." sagot ni Cecille.
Muling naglapat ang kanilang mga labi at halos mapipi ang katawan ni Cecille sa pagkakayakap nila sa isa't-isa. Nagsimula ng umindayog ang katawan ni Arnold sa tugtugin na naririnig ni Cecille kani-kanina lang. Subalit sa kalagitnaan ay sabay na nila itong narinig at sa ritmo nito ay sabay na umaalon ang kanilang katawan na nagbabaga sa init. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ang mga braso ni Cecille ang nakayakap kay Arnold, pati ang kanyang mga binti at hita at yumakap na din sa hita ni Arnold na parang sinasabi nitong huwag itong bibitaw o hihiwalay.
Naging marahas ang mga sumunod na indayog ni Arnold na mas lalong nagpaliyad kay Cecille. Mas naibigan nito ang ginagawa ni Arnold sa kanya. Pakiramdam nila ay parehas silang nagdedeliryo. Ang init ay kailangan na nilang pawalan, naliligo na sa pawis ang dalawa subalit hindi nila ito alintana, hanggang sa sabay silang nagkikisay at humihingal.
Alam ni Arnold na may nalalabi pang oras bago ang pagdating ng kanyang mga magulang kaya't ipinagpatuloy pa din nila ang pag-iisang katawan. Ibinuhos nila ang init ng kanilang pagmamahalan. Alam na ni Arnold na 'yun na ang una at huli nilang pagniniig ni Cecille, gayundin si Cecille kaya't bawat detalye ay parang kinakabisado nila upang maging isang alaala...i sang magandang alaala ng dalawang taong wagas na nagmamahalan pero hindi binigyan ng pagkakataon na kapalaran. Animo'y nag uusap pati ang kanilang mga kaisipan, sa huling pagsapit nila sa kasukdulan ay tigib ng luha ang kapwa nila mga mata, hanggang sila ay nagyakapan at hinalikan ang bawat isa na halos ayaw ng maghiwalay.
"'Wag mo ko kakalimutan mahal ha." umiiyak na sabi ni Arnold habang nakahiga pa din sila.
"Nakatatak ka na sa puso at kaluluwa ko mahal. Kaya't walang bagay na magpapalimot sa "kin ng lahat ng tungkol sa 'yo." sagot ng lumuluhang si Cecille.
Matapos mag ayos ng mga sarili ay umupo muna sa sala ang dalawa. Humiga muli si Arnold sa kanlungan ni Cecille.
Hindi na nilang makuhang mag-usap. Magkahawak na lang ang kanilang tig-isang kamay, nakayakap naman ang isang braso ni Arnold sa beywang ni Cecille at panay naman ang himas ni Cecille sa mukha ni Arnold na paminsan-minsan ay nilalaro nito ang ilong, mga labi at tenga ni Arnold.
Mga katawan na lang nila at mga kilos ang nag-uusap hanggang sa dumating ang oras na kailangan ng umuwe ni Cecille, siya namang pagdating ng mga magulang ni Arnold.
Pagkakita'y nagyakapan agad si Aling Milagring at Cecille. Mahigpit ang pagkakayap ni Cecille dahil batid niya sa sarili na huli na nilang pagkikita 'yun.
"Mag iingat po kayo lagi. Parang Nanay ko na din po kayo Aling Milagring. Lagi nyo pong iingatan ang sarili n'yo, kayo din po Mang Fredo. Papaalala nyo po lagi kay Arnold na mahal ko siya." sambit ni Cecille sa mga magulang ni Arnold.
"Mag-iingat ka din palagi iha ha. Gaya mo, parang anak na din ang turing ko sa 'yo. Mahal na mahal ka ng pamilya namin." saad naman ni Aling Milagring.
At muling nag yakap sila Aling Milagring at Cecille, matapos ay yumakap ito kay Arnold at humalik sa labi bago tuluyang lumabas ng bahay.
Hinabol pa din ni Arnold si Cecille sa labas ng bahay at muli itong niyakap.
"Mahal na mahal kita Mahal ko." naiiyak na naman na sabi ni Arnold.
"Hindi magbabago pagmamahal ko sayo Mahal. Magkikita pa ulit tayo. Tandaan mo 'yan, pero 'wag mo kakalimutan 'yung pagmamahal ko sa 'yo." huling sabi ni Cecille bago ito pumara ng tricycle.