Tumayo ako para habulin si Tristan dahil iyon naman na ang huli kong hiram ng phone niya para masulit ko na rin. "Please? I need to call, Zayne." Sabi ko sa kaniya gamit ang mahinahong boses ko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad kaya hindi ako tumigil na sundan siya. "No. That's enough," sagot niya kaya halos mapairap ako roon. "I need to inform him. Mag-aalala 'yon sa akin!" halos magmakaawa ako sa kaniya. Hindi siya sumagot hanggang sa makabalik kami harap ng malaking bahay. Kapag nasabi ko kay Zayne ang nangyari sa akin at naipaalam kong nasaan ako ay doon pa lang ako mapapanatag. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya at kaibigan ko siya kay deserve niyang malaman kung ano ang nangyayari sa akin para hindi siya mag-aalala. "Captain Ford, please? I really need to inform-" agad nam