"Oh, gising kana pala, Cheska. Ito na pagkain niyo," sabi ni Nica at inabot sa akin ang sukli nang makabalik siya pero agad akong umiling. "Mabuti naman nakabalik kana. Ang tagal mo," pagrereklamo ko sa kaniya pero agad din akong tumawa. "Ay wow ha, sorry señorita!" sabi ni Nica at inismidan ako "Sayo na 'yang sukli. Thank you," dagdag ko at kinindatan siya. "Ito pala bayad ng sa akin, nurse." nag-abot ng pera si Tristan. "Kay Cheska mo na lang ibigay, binawas ko na sa pera niya. Sige na, maiwan ko muna kayo dyan at may gagawin muna ako," sunod-sunod niyang sabi at kumaway pa nang bumalik siya roon sa table niya. "Here," napatingin ako kay Tristan at nakita kong nakalahad ang pera niya. Muli akong umiling, "No it's okay," sabi ko at bahagyang ngumiti. Huminga siya ng malalim at