Naging maganda ang kinahinatnan ng pagsasalita ni Francine. Maraming estudyante ang humingi sa akin ng pasensya at mabilis ko lang tinanggap 'yon dahil gumaan na ang pakiramdan ko. Kahit papaano ay nalinis na ang pangalan ko kaya hindi ko alam kung paanong pasasalamat ang ibibigay ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Francine at Tristan. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, Cheska." Sabi ni Francine nang magpasalamat ako sa kaniya. Naglalakad na kaming lahat paalis sa cafeteria at ang mga estudyanteng masama ang tingin sa akin ay bigla na lang naglaho at para bang bumalik na sa normal. Hindi naman dapat kami rito kakain sa campus ng lunch kanina pero dahil gutom na rin kami at pagod ang utak sa first exams ay hindi na namin napigilan. "Bruha talaga ang Vanessa na 'yon. Don't worry igaganti k