"T-tristan," sabi ko at bahagya siyang itinulak para makaalis sa pagkakayakap niya. "Sshh," bulong niya at mas lalong humigpit ang yakap sa akin. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman ngayon. Kasabay ng malakas na ulan ay siyang bilis naman ng t***k ng puso ko. Napapikit ako nang kumidlat at pilit na kinalma ang sarili sa pagkakaiyak. "Mas lalamigin ka kapag umalis ka sa yakap ko," sabi niya at bahagyang tinapik ang balikat ko. "I-I'm okay," halos mabasag ang boses ko nang magsalita ako. "No you're not," pagpupumilit niya. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya at hinayaan ko na lang ang sarili na yakapin niya dahil nakatulong naman talaga ang init ng katawan niya sa pagkaginaw ko. Hinayaan kong isandal ang pisngi ko sa dibdib niya habang ang baba niya ay nakapatong sa ulo ko. Ku