"Ano na naman ginawa niyo kay Vanessa?" tanong ni Kuya Rafael nang makabalik kami table nila. "Sumisingit sa amin kaya hindi kami pumayag," sagot ni Milan. Hindi ako kumibo lalo na nang makita kong tumabi si Francine kay Tristan. Mabuti na lang talaga ay makapal ang mukha ko para humarap pa rito sa kabila ng mga kagagahan ko kagabi. Iba talaga ang tama ng alak sa akin dahil hindi ko alam kung ano-ano na pala ang nasasabi ko. "Lagi namang ganiyan grupo ni Vanessa. Sanay na kami sa mga 'yan," sabi ng isang babae na kasama nila Kuya Rafael. "Hindi niyo dapat hinahayaan na binubully kayo ng babaeng 'yon," sabi ko at hindi ko napigilang mapairap. "Well, you can fight her because you're rich and popular. Kaming mga scholar hindi namin kaya," sagot naman sa akin ng isa pang babae na naroon.