Chapter 4

2037 Words
"Ah basta ako mag-iisip na ako ng pick-up lines ko kay James. Babanat ako sa kaniya," sabi ni Amber at tumingin pa sa itaas na akala mo talaga nag-iisip. "Babanatan ka ng Kuya mo gurl," sabi ni Milan at muling natawa. "Syempre kapag wala si Kuya!" "Tulungan kita Gurl, basta help mo rin ako kay Jake." Hindi ko na pinansin ang dalawang kaibigan ko sa mga kaharutan nila. Basta ako ay ang plano ko lang ay mapalapit kay Tristan. Magkakasama kami sa isang kwarto at may kaniya-kaniyang bed. Simula kasi nang nawala si Mommy lagi akong nagpa-panic attack, kaya kailangan lagi akong may kasama. Pero ngayon, masaya naman ako at kahit wala akong kasamang Mommy at Daddy, swerte pa rin ako dahil andyan ang mga kaibigan ko at ang mga taong alam kong totoong mahal ako. - Kinabukasan ay nagpapaayos na si Kuya Rafael para sa gaganapin nila mamaya rito sa bahay. Tuwang-tuwa nga ang mga kaibigan ko dahil nga makikita namin ang mga boys. Syempre ako ay todo tago dahil alam kong malakas mang-asar si Milan. Magpo-pool party raw silang mga boys at talagang excited silang dalawa kahit hindi naman kami pwedeng sumali doon! Nang makarating kami sa University ay halos pagtinginan na naman ako ng mga estudyante roon. Sanay na sanay na ako sa ganitong eksena dahil kahit noong high school pa lang ay nararanasan ko na ang ganitong trato. I'm wearing a white mini-skirt partnered with my black sleeveless crop-top. Nilagyan ko pa 'yon ng Gucci black belt at may suot din akong gray boyfriend blazer with my thigh high black boots. I also tied up my auburn curly hair. May hawak akong cup of coffee dahil nagpadaan si Riva kanina sa Starbucks dahil hindi naman kami kumain ng breakfast kanina. Friday ngayon kaya pwede kaming hindi mag-uniform. "Kilala mo si Vince diba? Makakalaban daw nila kuya 'yon this coming season," si Riva na nagsalita habang papunta kami sa first subject namin. Napatango naman ako dahil sino ba namang hindi makikilala 'yon e, isa rin sa mga magagaling na basketball player 'yon na sumasali sa UAAP katulad nila Tristan at kuya Rafael. Sa kabilang University nga lang sila at ngayon lang namin sila makakalaban. "Lalaro kaya si Zayne? My gosh! Mapapaligiran pala ako ng mga pogi!" natutuwang sabi ni Milan at kinikilig-kilig pa. "Mahiya ka nga, Milan. Alam naman nating si Cheska ang gusto 'non. Isa pa, talagang maglalaro 'yon dahil last game na nila ngayong taon," sabi ni Riva at napairap pa kay Milan. Natawa ako at napailing. Zayne is a fourth year college too– kagaya nila Tristan. Hindi ko alam pero simula nang mag-eighteen ako ay nadagdag siya sa mga manliligaw ko. "Sige, Milan sa'yo na si Zayne. Basta sa akin lang si Tristan ha," napangisi ako at inunahan sila sa paglalakad. Halos mapatili ang kaibigan kong bakla kaya natawa ako at napailing habang tinatahak ang daan papunta sa room. Mabuti na lang din ay magkakasama kami sa isang section kapag fist subject namin. Pagkapasok ko sa room ay halos mabaling na naman ang tingin sa akin ng mga kaklase ko roon. Napanguso naman ako nang may nakitang stuff toys and flowers sa desk ko. Lagi naman ganito, kaya sanay na ako kapag pumapasok sa room at nakakatanggap ng mga ganito. "Omg! gurl haba ng hair!" si Milan na inunahan pa akong kuhanin 'yon at amuyin ang bulaklak na naroon. "To Summer, from Billy." basa ni Milan. "Sana all!" pang-aasar ng mga classmates ko na tinawanan ko lang din. Sa kabilang section si Billy, isa rin siya sa mga manliligaw ko pero agad kong nire-reject dahil hindi pa ako handa sa mga ganyan. Isa pa, may iba talaga akong gusto. Mabuti na lang din ay mabilis natapos ang klase namin sa araw na 'yon. Friday kasi at walang masyadong ginagawa kapag ganoong araw. Habang hinihintay si Kuya Rafael, dumaan muna ako sa locker room para kuhanin ang ilang books doon dahil may projects kaming kailangan gawin. Si Milan at Riva ay bumili ng maiinom namin kaya mag-isa lang akong nagtungo roon. Habang naglalakad ay tinanggal ko ang blazer na suot ko dahil nakaramdam ako ng init. Hindi naman kasi naka-aircon sa area na 'yon at halos tirik pa rin ang araw kahit ala singko na ng hapon. Malapit sa Gym area ng Senior High ang locker room namin dahil hindi pa gawa ang locker sa building namin. Pero nagulat ako nang makasalubong ko si Tristan at huminto sa gilid ng pintuan para makainom ng tubig dahil naroon ang water dispenser. He's wearing a blue jersey and white shoes. Nabaling ang tingin niya sa akin habang umiinom at nakapamewang kaya halos tumalon na naman ang puso ko. Nakaawang ang labi ko habang nakatingin sa kaniya pero agad akong nakabawi at agad nang umambang pumasok sa locker room. Pero bago ako tuluyang makapasok ay nahagip ko ang tingin niya sa suot ko at hawak kong stuff toys at bulaklak. Napailing-iling ako dahil ramdam ko ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Huminga ako ng malalim at pumikit kasabay nang pagbukas ko sa locker ko. "s**t!" nagulat at napadilat ako dahil bumagsak ang mga iba't-ibang kulay na papel galing sa locker ko. Punong-puno 'yon dahil matagal kong hindi nabisita ito. Lagi akong nakakatanggap ng ganito at kadalasan love letter pero wala namang nakasulat na pangalaan kung kanino ba galing ang mga 'yon. Isa-isa kong pinulot 'yon at hindi ko alam kung paanong hawak ang gagawin ko sa mga 'yon! "Need help?" napatingala ako sa nagsalita. Halos manginig ang kamay ko nang makita kong si Tristan ang nakatayo sa pintuan habang nakatingin sa mga papel na nasa sahig. "N-no, I can handle this." nauutal kong sabi at mas binilisan ang pagpulot sa mga 'yon. Pero nagulat na lang ako nang pumasok siya at tumulong pulutin ang mga 'yon. Binuklat pa niya ang isa at binasa 'yon bago nagtaas ng kilay. "From admirers huh?" he smirked, pero salubong ang kilay niya– as usual. Napalunok ako dahil nakaramdam ako ng hiya. Ngayon niya lang kasi ako kinausap at talagang nakita pa niyang maraming nagbibigay sa akin ng mga ganoon! Baka mawalan ako ng pag-asa sa kaniya dahil lang sa mga letters na galing sa mga manliligaw ko. I chuckled, "Ah, yes." tipid na sagot ko. Inilagay ko sa paperbag ang mga letters, inilahad naman niya ang mga napulot niya at hindi na muling nagsalita kaya agad kong kinuha 'yon at inilagay din sa paperbag. "Cheska, nandyan na si Kuya-" natigil sa pagsasalita si Riva kaya napatingin ako sa gawing pintuan. "Oh?! Tamang-tama kasama mo pala si Captain," ani Milan na agad ding sumulpot doon at kita ko kaagad ang ngisi sa labi niya. "Ah oo, kinuha ko lang libro ko," sagot ko naman at muling nag-angat ng tingin kay Tristan. "Thank you," sabi ko at ngumiti ng mapalapad bago siya nilagpasan doon. Napabaling ako kay Milan na may hawak na isang box at hula ko, chocolates ang mga 'yon. Napangisi ako at itinago ang naghuhuramentadong puso ko. "Wow may manliligaw ka na rin?" tanong ko sakaniya at natawa. "Sana nga gaga! Kaya lang pangalan mo ang nakalagay rito!" reklamo niya at inabot niya sa akin 'yon bago ako irapan. "Hindi ko na kayang hawakan 'yan," sagot ko at inirapan ko rin siya. "Fine! Akina at ako maghawak. Para ma-feel ko naman!" humagikhik siya at siya na mismo ang nagdala, natawa na lang kami ni Riva sa kaniya. May hawak kasi akong libro at hawak ko pa ang bulaklak, paper bag at stuff toys. Mapupuno ko na nga yata ang isang room ko roon sa bahay ng mga stuff toys na binibigay ng mga manliligaw ko. Mabuti na lang hindi na kami pinaglakad pa ni Kuya Rafael, siya na mismo ang nag-adjust na puntahan kami rito. Kotse ni Kuya Rafael ang gamit niya, nagmadaling sumakay si Riva sa front seat. Sumakay na rin si Milan sa likuran kaya sumunod na ako sa kaniya. Ngayon ko lang naalala na kasama pala namin si Tristan! Halos makalimutan ko 'yon kaagad dahil sa mga kaibigan. Pigil ang hininga ko nang umupo siya sa tabi ko. "Wow Milan galing ba sa boyfriend mo 'yan?" tanong ni Kuya Rafael nang makita ang mga hawak ni Milan. "Halerr, wala ngang manliligaw boyfriend pa kaya?" natatawang sabi niya kasabay nito ang pag-irap at tumingin na lang sa bintana. "Kay Cheska, 'yon Kuya." si Riva na ang sumagot sa kuya niya. "Oh? Cheska, baka may boyfriend kana?" may halong paghihinala sa tanong ni Kuya Rafael. "Huh? Wala ah!" mabilis na sagot ko. Simula nang nawala si Mommy, nagkaroon ako ng kapatid at si Riva at Kuya Rafael 'yon. Idagdag mo pa si Milan. Istrikto sa amin si Kuya Raf, pinagbabawalan pa niya kaming mag-boyfriend noon hanggat hindi pa kami eighteen. Ngayon namang eighteen na kami ay pakiramdam ko hirap pa rin siyang payagan kaming mag-boyfriend, lalo na si Riva na kapatid niya. Nakakahiyang tinanong pa iyon ni Kuya Raf dahil narito si Tristan. Ngayon pa nga lang ako magsisimulang magpapansin sa kaniya! "Capt, naroon na pala silang lahat," pag-iiba ng usapan ni Kuya Raf. Mabuti naman at nawala na sa akin ang topic pero hindi ako makagalaw ng maayos dito. Bumilis ang t***k ng puso ko nang magdikit ang balat namin ni Tristan. Para akong kinikiliti! My gosh, Francheska ikalma mo! "Tsaka hinahanap ka pala ni Stacey," dagdag pa ni Kuya. Sino naman si Stacey? Siguro isa rin sa mga nagkakagusto sa kaniya sa campus. Hindi ko naman masasabing girlfriend niya dahil si Francine ang madalas na inaasar sa kaniya. Gusto ko tuloy mapairap dahil ang dami kong karibal sa kaniya pero napabuntong hininga na lang ako. "Why is she there?" may bakas na pagtataka sa boses niya. Busy ang dalawa kong kaibigan sa sarili nilang mundo kaya wala akong magawa kung hindi ay makinig sa usapan nila Tristan. "I don't know. James invited them," sagot ni Kuya at nagkibit ng balikat. "What?!" gulat na tanong ni Riva at napatingin kay Kuya Raf. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Milan sa tabi ko. Kita ko naman ang pagtataka sa muka ni Kuya Raf dahil sa inasta ni Riva. "Hayaan mo na lang siya Rafael," sagot naman ni Tristan kaya nabalewala ang atensyon kay Riva na tahimik na ngayon. "Kakausapin ka yata," muling sabi ni Kuya Raf. Hinintay ko ang magiging sagot ni Tristan pero hindi na siya muling nagsalita pa. Natawa naman si Kuya Rafael na akala mo may something talaga kay Stacey at Tristan, bahagya tuloy kumunot ang noo ko. Okay, bakit ko ba pino-problema 'to? "Omygosh, Cheska!" napabaling ako kay Milan na halos sumigaw. Hawak niya ang isang kulay pula na papel. Nanlaki ang mga mata ko at agad hinablot sa kaniya 'yon. Nakakahiya lang na mabasa pa niya ang mga naroon lalo na at kasama namin si Tristan! "Grabe ka, Cheska. Sa UST nag-aaral pero nakarating pa 'yan sa school natin?" natawa si Milan, halatang nabasa na nga niya. Lagi naman silang nagbabasa ng mga letters na natatanggap ko. Lalo na 'yang si Milan, wala naman akong problema roon pero hindi lang ako komportable na basahin niya dahil nahihiya ako kay Tristan. "Yayamanin mga manliligaw mo ha! Bigyan mo naman ako," pagbibiro niya. Inirapan ko na lang siya dahil hiyang-hiya na ako kay Tristan, mabuti na lang malapit na kami sa mansion. Nang makauwi kami ay agad na akong pumasok, naririnig ko rin ang hiyawan ng mga barkada ni Kuya Rafael sa swimming pool area. Napasilip pa nga ako roon dahil may naririnig akong boses ng mga babae. "Nakakainis bakit may girls?" bulong ni Milan. "Hayaan mo na sila, 'yan ang gusto nila e," sagot ko naman at agad hinanap si Tristan. Nakita ko siyang nakikisali na sa mga barkada nila roon at hindi ko napigilang mapangiti nang makita kong tumawa siya. Nawala nga lang ang ngiti ko nang magsimulang asarin ako ni Milan kaya wala akong nagawa kung hindi umakyat na lang sa kwarto. Agad akong naglinis ng katawan dahil pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ko na! Nakakahiya pa kanina at nakatabi ko si Tristan. Ganoon din ang ginawa ng dalawa, bumaba na lang ako para kumuha ng pagkain. "Pakidala na lang sa likod ha? Thank you!" utos ko sa isang kasambahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD