Naisipan kong dalhin si Fionah sa Batangas. Anniversary namin ngayon bilang magkasintahan. Ngayon din sana ang anniversary namin bilang mag-asawa kung natuloy lang din ang kasal namin noon. "Are you tired, babe? Pwede tayong magpahinga kung pagod ka na," ani ko kay Fionah nang mailagay ko ang panibago niyang huli na isda sa timba. "Hindi, nag-e-enjoy nga ako," aniya naman sabay tapon ng pamingwit sa lawa. "Okay, sabi mo eh. Magsabi ka lang kung pagod ka na." Narito kami sa Taal Lake at pinaranas ko sa kanya kung paano mamingwit. She never tried it so I let her enjoy what she is doing. Nakasakay kami sa isang bangka na nirentahan ko pa para makapamingwit kami sa malalim na parte ng lawa ng Taal. Swerte naman siya dahil nakahuli siya ng dalawang tilapya at isang karpa. Aniya kapag nadag