Nakalipas na naman ang isang buwan ay hindi pa rin gumigising si Fionah. Apat na buwan na ang baby sa tiyan na at medyo visible na ang umbok nito sa kanyang tiyan. Madalas na dumalaw ang buong pamilya ko rito sa ospital at ito na nga ang tambayan nila madalas kapag walang pasok sa eskwelahan at trabaho. Kinakausap nila si Fionah at madalas ay kwentuhan nila ito ng kung ano dahil sabi ng doktor, makakatulong ito sa kanyang mabilis na paggising. Ang isang buwan na palugit ng doktor para siya ay magising ay hindi nangyari. Nawawalan na ako ng pag-asa noong una ngunit kailangan kong maging matatag. May anak kaming nabubuhay sa kanyang tiyan kaya hindi dapat 'di ako mawalan ng pag-asa, huwag akong panghinaan ng loob. Araw-araw akong nananalangin sa Kanya at sana this time pakinggan naman n