Halo-halo ang emosyon na aking nadarama habang nakatitig ako sa aking kamukha. Naalala ko na kinuhanan ko siya ng litrato nang nasa Hongkong kami ni Xenon. Kaagad kong kinuha sa bag ko ang cellphone ko at hinanap ang picture ng batang kaharap ko. Halos mapaiyak ako nang makita kong nakatingin sa akin ang litrato ni Zion na halos kamukhang-kamukha ko. Kaya pala ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang magtama ang paningin namin nang nasa Hongkong ako. Ang pamilyar na mukhang nakikita ko sa kanya ay walang iba kundi ang mukha ko. "Z-Zion…baby ko," naiiyak kong usal. Kusang lumabas sa aking bibig ang mga katagang ito. Parang natural na ito sa akin na itawag ito sa kanya. Ngumiti sa akin ang bata habang nakahiga. Nasapo ko ang bibig ko habang pinipigilan pa ang mas malakas na pag-iyak. His s